Pating

(Idinirekta mula sa Shark)

Ang mga pating ay isang pangkat ng mga elasmobrankiyong isda na nakikilala sa de kartilagong kalansay, lima hanggang pitong hiwa ng hasang sa tagaliran ng ulo, at pektoral na palikpik na nakakabit sa ulo. Nauuri ang mga makabagong pating sa loob ng clade na Selachimorpha (o Selachii) at ang mga ito ay kapatid na pangkat sa mga pagi. Bagaman, ang katawagang "pating" o shark sa wikang Ingles, ay (maling[2]) ginagamit para sa mga lipol na mga kasapi subklaseng Elasmobranchii sa labas ng Selachimorpha, tulad ng Cladoselache at Xenacanthus, gayon din sa ibang Chondrichthyes tulad ng mga holocephalid eugenedontidans.

Mga pating
Temporal na saklaw: Huling Silriyano-kasalukuyan 420–0 Ma
Posibleng tala noong Ordobihiko[1]
Pakaliwa mula sa taas na kaliwa: spiny dogfish, Australian angelshark, whale shark, great white shark, horn shark, frilled shark, scalloped hammerhead at Japanese sawshark na kinakatawan ang mga orden na Squaliformes, Squatiniformes, Orectolobiformes, Lamniformes, Heterodontiformes, Hexanchiformes, Carcharhiniformes at Pristiophoriformes ayon sa pagkakabanggit.
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Chondrichthyes
Subklase: Elasmobranchii
Infraklase: Euselachii
Superorden: Selachimorpha
Mga orden

Carcharhiniformes
Heterodontiformes
Hexanchiformes
Lamniformes
Orectolobiformes
Pristiophoriformes
Squaliformes
Squatiniformes

Kasingkahulugan
Pleurotremata
Selachii

Sa ilalim ng mas malawak na depinisyon nito, matatagpuan ang pinakaunang kilalang mga pating noong 420 milyon taong nakalipas.[3] Kadalasang tinutukoy ang Acanthodians bilang mga "matinik na pating"; bagaman hindi sila kasali sa pangunahing Chondrichthyes, mga pinagtipomg parapiletiko ito na nagdudulot sa de kartilagong isda sa kabuuan. Simula noon, pinag-sari-sari ang mga pating sa loob ng higit sa 500 espesye. Sumusukat sila sa iba't ibang laki mula sa maliit na dwarf lanternshark (Etmopterus perryi), isang espesye na matatagpuan sa pinakailalim ng dagat na may haba lamang na 17 centimetro (6.7 pul), hanggang sa whale shark (Rhincodon typus), ang pinakamalaking isda sa buong sanlibutan, na umaabot ang haba sa 12 metro (40 tal).[4] Matatagpuan ang pating sa lahat ng dagat at karaniwang nasa lalim na 2,000 metro (6,600 tal). Pangkalahatang hindi sila tumitira sa tubig-tabang bagaman may ilang kilalang eksemsyon, tulad ng bull shark at river shark, na maaring matagpuan sa tubig-alat at tubig-tabang.[5] Natatakpan ang mga pating ng mga dermal denticle na prinoprotektahan ang kanilang balat mula sa pagkasira sa mga parasito, karagdagan pa sa pagpapabuti ng kanilang pluido dinamiko. Marami silang mga ngipin na maaring mapalitan.[6]

Ang mga kilalang espesye tulad ng tiger shark, blue shark, great white shark, mako shark, thresher shark, at hammerhead shark ay nasa pinakamataas na mga maninila-organismo sa kadena ng pagkain sa ilalim ng dagat. Nahuhuli ang mga pating ng mga tao para sa kanilang mga karne o para gawing sopas ang kanilang palikpik. Nababantaan ang marmaing mga populasyon ng pating ng mga aktibidad ng tao. Simula noong 1970, nabawasan ang mga populasyon ng pating sa 71%, na ang karamihan sa dahilan ay labis na pangingisda.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. | Motta, P.; Habegger, M. L.; Lang, A.; Hueter, R.; Davis, J. (2012). "Selachii (shark)". Journal of Morphology (sa wikang Ingles). 273 (10): 1096–1110. doi:10.1002/jmor.20047. PMID 22730019. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2021-07-15. Nakuha noong 2021-07-25.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Pough, F. Harvey; Janis, Christine M. (2018). Vertebrate Life, 10th Edition. Oxford University Press. pp. 96–103. ISBN 9781605357218.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Martin, R. Aidan. "Geologic Time" (sa wikang Ingles). ReefQuest. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-24. Nakuha noong 2006-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pimiento, Catalina; Cantalapiedra, Juan L.; Shimada, Kenshu; Field, Daniel J.; Smaers, Jeroen B. (24 Enero 2019). "Evolutionary pathways toward gigantism in sharks and rays". Evolution (sa wikang Ingles). 73 (2): 588–599. doi:10.1111/evo.13680. PMID 30675721.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Allen, Thomas B. (1999). The Shark Almanac (sa wikang Ingles). New York: The Lyons Press. ISBN 978-1-55821-582-5. OCLC 39627633.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Budker, Paul (1971). The Life of Sharks (sa wikang Ingles). London: Weidenfeld and Nicolson. SBN 297003070.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Einhorn, Catrin (Enero 27, 2021). "Shark Populations Are Crashing, With a 'Very Small Window' to Avert Disaster". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 31, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)