Shell and tube heat exchanger

Teorya at mga applikasyon

baguhin

Sa isang heat exchanger, dalawang likido na may magkaibang temperatura ang dumadaloy. Ang isa ay dumadaloy sa mga tubo at ang isa naman ay dumadaloy sa loob ng shell na nasa labas ng tubo. Ang init ay inililipat mula sa unang likido patungo sa pangalawa sa pamamagitan ng mga labas ng tubo mula sa mas mainit na likido papunta sa mas malaming na likido at ang likido na dumadaloy sa mga heat exchanger ay maaaring maging likido o gas. Upang mailipat ang init, dapat ay malaki ang area ng paglipat ng init kung kaya't maraming tubo ang ginagamit upang mas malaki ang surface area ng paglipat ng init upang mamaksimize ito. Ito ay isang mahusay na paraan upang makatipid ng enerhiya.

Ang mga heat exchanger na may iisang anyo (likido/gas) sa bawat panig ay tinatawag na one-phase o single-phase heat exchangers. Ang mga two-phase heat exchangers naman ay ginagamit upang magpakulo ng likido at ito ay tinatawag na boiler. Kapag pinalalamig ang vapors papuntang likido, ito naman ay tinatawag na condenser kung saan ang pagbago ng phase ay madalas nagaganap sa shell. Ang mga boiler na ginagamit sa mga steam engine locomotives ay madalas na malaki at hugis silindro . Ang mga stream-driven turbines at shell-and-tube heat exchangers naman na madalas makikita sa mga malalaking planta ay ginagamit upang macondense ang steam na lumalabas sa turbine para maging tubig ito na pwedeng irecycle pabalik sa steam generator.

Ginagamit din ang mga ito sa liquid-cooled chillers upang malipat ng init mula sa refrigerant at sa tubig na matatagpuan sa evaporator at condenser.