Ang Shijiazhuang (Tsino: 石家庄, [ʂɨ̌.t͡ɕjɑ́.t͡ʂwɑ́ŋ]) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng lalawigan ng Hebei, Hilagang Tsina.[1] Pampangasiwaan isa itong antas-prepektura na lungsod na may layong 266 kilometro (165 mi) timog-kanluran ng Beijing.[2] Pinangangasiwaan nito ang walong mga distrito, dalawang antas-kondado na mga lungsod, at 12 mga kondado.

Shijiazhuang

石家庄市

Shihkiachwang
Malayuang tanawin ng kabayanan ng Shijiazhuang
Malayuang tanawin ng kabayanan ng Shijiazhuang
Map
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Shijiazhuang sa Hebei
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Shijiazhuang sa Hebei
Shijiazhuang is located in Hebei
Shijiazhuang
Shijiazhuang
Kinaroroonan ng kabayanan sa Hebei
Mga koordinado: 38°04′N 114°29′E / 38.067°N 114.483°E / 38.067; 114.483
Bansa Tsina
LalawiganHebei
Sentro ng munisipyoChang'an District
Pamahalaan
 • Kalihim ng CPCXing Guohui (邢国辉)
 • AlkaldeDeng Peiran (邓沛然)
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod15,848 km2 (6,119 milya kuwadrado)
 • Urban
283.72 km2 (109.54 milya kuwadrado)
 • Metro
2,240 km2 (860 milya kuwadrado)
Taas
83 m (272 tal)
Populasyon
 (2016)
 • Antas-prepektura na lungsod10,784,600
 • Kapal680/km2 (1,800/milya kuwadrado)
 • Urban
4,303,700
 • Densidad sa urban15,000/km2 (39,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Tsina)
Kodigong postal
050000
Kodigo ng ISO 3166CN-HE-01
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan冀A
Bulaklak ng lungsodRosa Chinensis
Puno ng lungsodStyphnolobium
Websaytwww.sjz.gov.cn
Shijiazhuang
"Shíjiāzhuāng" sa Pinapayak (itaas) at Kinagisnang (ibaba) mga Tsinong panitik
Pinapayak na Tsino石家庄
Tradisyunal na Tsino石家莊
Kahulugang literal"Maliit na Nayong Pampamilya ng Shí"
("Shí Family Hamlet")

Magmula noong 2015 mayroon itong kabuuang populasyon na 10,701,600 katao[3] kalakip ang 4,303,700 katao sa sentral ("o metro") na pook na binubuo ng pitong mga distrito at ang kondado ng Zhengding na malakihang nakadugtong sa kalakhang pook ng Shijiazhuang habang patuloy ang paglawak ng urbanisasyon.[4] Nasa panlabing-dalawang puwesto ang kabuuang populasyon ng Shijiazhuang sa kalupaang Tsina.[5]

Nakaranas ang Shijiazhuang ng malakihang paglago kasunod ng pagtatag ng Republikang Bayan ng Tsina noong 1949. Dumami nang higit sa apat na beses ang populasyon ng kalakhang pook sa loob ng 30 mga taon bilang bunga ng mga pagpapaunlad sa industriyalisasyon at imprastraktura. Mula 2008 hanggang 2011, ipinatupad ng Shijiazhuang ang pantatlong-taong plano na natapos sa pagbabagong-tatag ng lungsod. Nagbunga ito ng pagdami ng luntiang mga pook at bagong mga gusali at daan. Binuksan ang isang estasyon ng daambakal, isang paliparan, at isang sistemang subway.[6]

Matatagpuan ang Shijiazhuang sa silangan ng Bulubundukin ng Taihang, isang bulubunduking umaabot ng higit sa 400 km (250 mi) mula hilaga-patimog at may karaniwang taas na 1,500 hanggang 2,000 m (4,900 hanggang 6,600 tal), kaya isang angkop na lugar ang Shijiazhuang para sa paglalakad, panlabas na mga biyahe, at pagbibisikleta.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Illuminating China's Provinces, Municipalities and Autonomous Regions". PRC Central Government Official Website. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-06-19. Nakuha noong 2014-05-17. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Distance from Beijing to Shijiazhuang". DistanceFromTo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-31. Nakuha noong 2018-05-12. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 石家庄市2015年国民经济和社会发展统计公报 - 低碳发展. dtfz.ccchina.gov.cn (sa wikang Tsino). Nakuha noong 2016-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. "Archived copy" 山西省2010年第六次全国人口普查主要数据公报(Sixth National Population Census of the People's Republic of China (sa wikang Tsino). National Bureau of Statistics of China. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-17. Nakuha noong 2015-06-02. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archived copy" 最新中国城市人口数量排名(根据2010年第六次人口普查) (sa wikang Tsino). www.elivecity.cn. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-03. Nakuha noong 2014-05-28. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-05-27. Nakuha noong 2014-07-07. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa PRC ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.