Shin Megami Tensei: Devil Survivor

Shin Megami Tensei: Devil Survivor, mas kilala sa Hapon na Megami Ibunroku: Devil Survivor (女神異聞録デビルサバイバー, lit. "Alternate Tale of the Goddess: Devil Survivor") ay isang role-playing game para sa konsolang Nintendo DS. Ito ay inilabas sa Hapon noong 15 Enero 2009 at 23 Hunyo 2009 sa Hilagang Amerika. Ang disenyo ng mga karakter sa laro ay hawak ni Suzuhito Yasuda ng Yozakura Quartet fame. Ang theme song para sa larong ito ay Reset na ginanap ni Aya Ishihara. Merong pinahusay na paggawa na inilabas sa Nintendo 3DS noong 23 Agosto 2011 na pinamagatang (Shin Megami Tensei: Overclocked).

Shin Megami Tensei: Devil Survivor
Pang-Hilagang Amerikang pabalat ng Devil Survivor na itinatampok ang ilang mga pangunahing tauhan sa laro. Mula sa kaliwa hanggang kanan: Haru, Yuzu, Gin, Protagonista, Naoya, Atsuro, at Amane.
NaglathalaAtlus
Nag-imprentaAtlus
Ghostlight
DisenyoShinjiro Takada
GumuhitSuzuhito Yasuda
Kazuma Kaneko
MusikaTakami Asano
Serye
  • Megami Tensei Edit this on Wikidata
PlatapormaNintendo DS,
Nintendo 3DS[1]
ReleaseNintendo DS Nintendo 3DS
DyanraTactical role-playing
ModeSingle-player

Paraan ng paglalaro

baguhin

Ang Devil Survivor ay isang tactical role-playing game na turn-based strategy. Halos sa lahat ng mga kuwento ang manlalaro ay mamimili ng lugar na pupuntahan sa mapa at makikipag-usap sa ibang tao, kasama ang oras sa loob ng laro na sinasabi kung ilang oras na lang makakagawa ng desisyon ang manlalaro.

Mga Labanan

baguhin

Sa labanan, ang manlalaro ay makakatira sa bawat pagkakataon kasama ang mga kalaban, upang matalo nito ang mga kalaban o iba pang klase ng misyon na dapat masolusyunan katulad ng pagtulong sa mga inosenteng tao na makatakas ang mga ito sa lugar ng ligtas. Una ang manlalaro ay magpapahatid ng 3 o 4 na tauhan, kasama na ang pinuno na naglalaman ng 2 demonyo.

Macca Bonus

baguhin

Ang Macca Bonus ay pinapayagan ang manlalaro na makatanggap ng bonus o mga penalty upang kumita ng Macca depende kung paano sila gumanap sa pakikipag-laban sa pamamagitan ng pagnanakaw ng Extra Turn at pagtalo ng lahat ng mga kalaban sa isang move sa isang pagkakataon o kaya naman natalo nito ang kalaban na hindi man lang nababawasan ang HP nito at ang mga demonyo nito.

Devil Auction

baguhin

Ang Devil Auction ay tumatagal ng 5 segundo, na may 3 kalaban. Ang layunin nito ay ang mag-bid sa mga kalaban para makuha mo ang demonyo na iyong pinili sa mababang presyo, ngunit madali lang sumuko ang mga kalaban kung di na nila kaya ang presyo. Ang nagagawa nito ay ang magdagdag pa ng mga karagdagang malalakas pang mga demonyo sa iyong grupo.

Cathedral of Shadows

baguhin

Ang Cathedral of Shadows ay isang programa sa loob ng COMP na tinatawag na "cath.exe". Meron itong dalawang moda, Fusion at Search. Ang Fusion ay pwede mong pagsanibin ang dalawang demonyo upang makabuo pa ng isang malakas na demonyo ngunit sa pagsasanib ng dalawang demonyo ay kailangan ay mataas ang lebel ng manlalaro kaysa sa demonyo na ipagsasanib nito. Ang nagagawa naman ng Search ay ang hahanapin mo kung ano ang kombinasyon ng demonyo na gusto mong magawa, at pwede mong hanapin ito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga kategorya katulad ng: race, existence (Confirmed o Unconfirmed) at marami pang iba.

Laplace Mail

baguhin

Ang Laplace Mail ay isang importanteng elemento sa Devil Survivor. Ang Laplace Mail ay isang e-liham sa COMP na eksklusibong nakukuha ng manlalaro at ang mga kasama nito sa grupo tuwing umaga sa Lockdown. Ang nagpapadala ng Laplace Mail ay nakilala bilang isang tagamasid ("The Observer"). Hawak ng sulat ang hula nito kung ano ang mangyayari sa araw na iyon. Gayunpaman, maaring pigilan ito ng grupo upang hindi magkatotoo ang hula ng Laplace Mail. Ngunit sa ikaanim na araw, ang Laplace Mail ay tuluyan ng nasira dahilan ng "too many invalid parameters".

Death Clock

baguhin

Ang Death Clock ay isang sekretong katangian ng COMP. Ang Death Clock ay isang numero na makikita sa itaas ng ulo ng mga tao na ipinapakita kung ilang araw na lang sila mabubuhay. Ang mga taong merong Altered COMP lang ang maaring makakita nito at kapag magkakasama ang mga tao na may altered COMP sa isang grupo, tanging ang pinuno lang sa grupo na iyon ang makakakita ng mga Death Clock. Kapag ang tao ay nabubuhay ng 10 araw pataas, ang Death Clock ay hindi magpapakita ngunit kapag ang isang tao ay 7 araw pababa na lang nabubuhay ay magpapakita ang Death Clock nito.

Kuwento

baguhin

Ang Devil Survivor ay magsisimula sa modernong araw ng Tokyo. Isang araw ang protagonista, isang 17 taong gulang na hinahanap ang kanyang dalawang mga kaibigan na si Atsuro Kihara at si Yuzu Tanikawa na binigyan ng mga elektronikong device na tinatawag na Communication Players o COMP na ibinigay ni Naoya, ang pinsan ng protagonista. Sa kanilang paglalakbay, isang gulo ng mga demonyo ang naganap sa Tokyo at ang malaking syudad ay napapaligiran ng mga Japanese Ground Self-Defense Force na itinatanggi ang mga kuryente, komunikasyon at ang mga pagkain sa mga nakulong dito. Ang magulong sitwasyon ay ang dahilan kung bakit ang mga tao na nakakulong sa loob ng lockdown ay sinusubukan na kalabanin ang mga demonyo o ang mga ibang tao. Ang protagonista at ang kanyang mga kaibigan ay natuklasan ang kanilang mga COMP ay pinapayagan sila na tumawag ng mga demonyo upang labanin ang mga ibang demonyo na gusto sila atakihin, at pinapayagan din sila na makaligtas sa mga atake ng mga demonyo kahit ordinaryong tao lang sila. Ang protagonista ay natuklasan ang kakayahan na makita ang mga "death clock" ng mga tao, na ipinapakita na kung ilang araw na lang sila mabubuhay. Ginagamit nila ito upang ibahin ang kanilang mga kapalaran at iligtas ang ibang tao. Ang protagonista ay natuklasan na ang lahat ng tao ay mamatay pagkalipas ng pitong araw.

Sinusubukan nilang malaman kung ano ang misteryo ng lockdown, natagpuan nila ang mga tauhan na pwedeng malaro: Keisuke Takagi, ang kaibigan ni Atsuro na ipinaglalaban ang katarungan; Midori Komaki, isang tao na idolo ang cosplay, na ipinapakita niya sa ibang tao na ililigtas niya ang mga inosenteng tao sa mga demonyo; Eiji Kamiya/Gin, isang tagapamahala ng music bar; Tadashi Nikaido/Kaido, ang pinuno ng "Shibuya Daemons"; Mari Mochizuki, isang nars ng elementarya na hinahanap ang pumatay sa kanyang minamahal; Misaki Izuna, isang opisyal ng militar; Amane Kuzuryu, ang anak ng pinuno ng Shomonkai, na isang relihiyon na nasa likod ng gulo ng "lockdown" at Black Frost, na tumulong sa iba pang mahihinang demonyo matapos iligtas si Midori. Kasama rin ang iba pang mga tauhan na sina Yoshino Harusawa/Haru, isang mang-aawit na naniniwala na may kinalaman ang kanyang pag-awit sa gulo; Yasuyuki Honda, isang trabahador sa opisina na nakulong sa loob ng "lockdown" habang ang kanyang anak ay nasa-labas ng Tokyo habang isinasagawa ang operasyon nito; at Shoji, isang babaeng mamamahayag na sinisiyasat ang mga pangyayari sa loob ng "lockdown" at bago ito mag-simula.

Sa kanilang pagsisiyasat, ang protagonista at ang kanyang mga kaibigan nalaman na ang gulo sa mga demonyo ay nag-resulta sa pinlano na laban sa pagitan ng mga anghel at demonyo, bilang pagsukat ito sa paghuhukom ng kahalagahan ng sangkatauhan. Kung ang demonyo sa loob ng pitong araw ay hindi tumigil, sisirain ng mga anghel ang sangkatauhan. Ang gobyerno ng Hapon ay nababahala na sa mga pangyayari, kaya itinupad na nila ang Batas ng PSE na kung saan gagamit sila ng mga remote-controlled electromagnetic device sa bawat konsumo ng elektrisidad; kung sakaling ang gulo ng mga demonyo ay hindi na natigil, ang gobyerno ay gagamitin na ang mga ito na kung saan sisira sa lahat ng mga bagay, tao man o demonyo. Habang patuloy ang kuwento, ang protagonista ay hindi sinasadyang masama siya sa labanan para sa "Throne of Bel", na target siya ng iba pang mga demonyo na kasama sa labanan para sa "Throne of Bel".

Depende sa landas na pipiliin ng manlalaro, malalaman ng protagonista na si Naoya at siya ay ang muling pagkakatawang-tao ni Cain at Abel, sa bibliya. Si Naoya ay nagtatrabaho sa Shomonkai upang gumawa ng mga programa na makakapagtawag ng mga demonyo. Hinahangad ng Shomonkai na ipadala ang hari ng demonyo na si Belberith upang manalo ang mga demonyo sa labanan, at gusto rin ni Naoya na makaligtas ang protagonista at ang mga kaibigan nito kung sakaling mangyayari ang pangyayaring ito.

Mga Tauhan

baguhin

Protagonista - Tinukoy bilang isang bayani, siya ang pangunahing tauhan sa kuwento. Edad 17, ito ay ikalawang taon sa hayskul. Ang kanyang pagkatao ay binabase sa mga desisyon ng manlalaro. Siya ang pinsan ni Naoya at kaibigan naman niya sina Yuzu Tanikawa at Atsuro Kihara. Siya ay isinaboses ni Takahiro Mizushima sa Drama CD. Sa manga, ang pangalan niya ay si Kazuya Minegishi.

Yuzu Tanikawa - Ang kababata ng protagonista mula pang elementarya, na nakikitungo sa lahat ng uri ng panganib at nais takasan ang lahat ng ito. Siya ay may malaking paghanga sa protagonista. Siya ay isinaboses ni Minori Chihara sa Drama CD at si Ayako Kawasumi sa Hapon na bersyon ng Overclocked.

Atsuro Kihara - Ang kababata ng protagonista na may angking katalinuhan sa mga kompyuter. Bagaman siya ay henyo, pinag-aaralan niya ng mabuti ang mga pagkatao ng iba at mahilig siya makisama. Pinapangarap niyang makontrol ang mga demonyo upang tanggalin ang pananakot nito sa mga tao. Sa Overclocked sa panahon na kasama niya sila Naoya/Kaido sa ikawalong araw, ay inamin niya na meron siyang paghanga kay Yuzu. Siya ay isinaboses ni Atsushi Abe sa Drama CD at Overclocked at si Spike Spencer naman sa Ingles na bersyon ng Overclocked.

Midori Komaki - Ang tanyag at ang magitlahin na cosplayer na ang bansag ay Dolly. Matapos matanggap ang COMP, nagsusumikap siyang iligtas ang lahat ng mga demonyo, sinasabi niya na si Magical Dolly na nagsasabing nangangasiwa ng mahiwagang kaparusahan sa mga demonyo. Siya ay isinaboses ni Kana Asumi sa Drama CD, Marisa Iye sa Hapon na bersyon ng Overclocked at Erin Fitzgerald sa Ingles na bersyon.

Keisuke Takagi - Dating kaibigan ni Atsuro. Bagaman siya ay mahiyain, meron siyang katarungan at katuwiran na ipinaglalaban, halos isang kamalian nung tawagin niya si Yama, ang tagapaghukom sa ilalim ng mundo. Siya ay isinaboses ni Yuuki Kaji sa Overclocked at Makoto Naruse sa Drama CD.

Yoshino Harusawa - Mas kilala sa tawag na Haru, siya ay isang tanyag na mang-aawit na kasama dati sa bandang D-VA. Interesado siya sa protagonista. Siya ay isinaboses ni Junko Minagawa sa Hapon ng Drama CD/Overclocked.

Mari Mochizuki - Isang mabait na guro at mapag-alagang tiyutor ni Atsuro, na ngayon ay isang nars na sa elementarya. Siya ay naghahanap sa pumatay sa kanyang minamahal at nakipag-sanib sa bampira na si Kresnik. Siya ay isinaboses ni Shiho Kawaragi sa Hapon na bersyon ng Overclocked.

Amane Kuzuryu - Ang misteryosong dalaga ng Shomonkai. Isa siya sa mga tao na kayang makipag-sanib sa mga demonyo kahit walang mga COMP. Ibinabahagi niya ang kanyang mga layunin kasama ang anghel na si Remiel na nabubuhay sa loob ng kanyang katawan. Siya ay isinaboses ni Yui Kano sa Drama CD, Mamiko Noto sa Hapon na bersyon ng Overclocked.

Tadashi Nikaido - Mas kilala sa tawag na Kaido, siya ang pinuno ng grupo ng Shibuya Daemons at kilala siya na simpleng matulungin. Sinisikap niyang mag hari sa mundo at may matagal na siyang paghanga kay Mari. Siya ay isinaboses ni Kentaro Ito sa Drama CD, Yasuhiro Mamiya sa Hapon na bersyon ng Overclocked.

Eiji Kamiya - Mas kilala sa tawag na Gin, siya ang may-ari ng bareta na "Eiji" at gumaganap na tagapag-alaga ni Haru. Matagal na niyang hinahanap si Aya, ang mang-aawit na pinuno ng D-VA. Siya ay isinaboses ni Katsuyuki Konishi sa Drama CD/Overclocked.

Naoya - Ang pinsan ng protagonista, na namumuhay kasama ng protagonista nung mga nakaraang taon bago ang storya. Ginawa niya ang Demon Summoning Program. Pinapangarap niya ang protagonista na maging "King of Bel" at upang mag-rebelde sa Diyos. Siya ay isinaboses ni Hiroshi Kamiya sa Drama CD, Kisho Taniyama sa Hapon na bersyon ng Overclocked at Kyle Hebert sa Ingles na bersyon.

Yasuyuki Honda - Isang trabahador sa opisina na sinusubukan na makaalis sa lockdown nang sa ganun nasa tabi siya ng anak niya sa panahon ng operasyon. Sumama siya kay Kaido sa panahon ng mga labanan.

Misaki Izuna - Isang miyembro ng espesyal na bahagi ng gobyerno na gusto puksain ang lahat ng demonyo. Pinapahalagaan niya ang lahat ng misyon niya at naniniwalang hindi ang gobyerno ang solusyon sa lockdown.

Shoji - Isang mamamahayag na paminsan-minsan natatagpuan ang protagonista at ang kanyang mga kaibigan. Siya ay naghahanap ng impormasyon sa iba't ibang bagay upang gumawa ng artikulo tungkol dito. Ang kanyang tagapagturo ay kaibigan si 10BIT, ang kaibigan ni Atsuro sa Internet.

Mga Pagtatapos

baguhin

Maraming mga pagpipiliian ng desisyon ang manlalaro na makaka-apekto sa kanyang mga kaibigan at tauhan. Maraming mga pagtatapos ang laro depende ito sa mga desisyon na ginawa ng manlalaro:

Desperate Escape

baguhin

Ang Desperate Escape ay ang pagtatapos na kapag pinili mong kausapin si Yuzu sa dulo ng ikaanim na araw. Kailangan ng manlalaro na matalo si Gigolo, na binuking niya na siya ang demonyo na si Loki, at sa huli ay kakalabanin ang mga anghel na pinangunahan ni Amane at Izuna. Ang pagtakas ay matagumpay ngunit ang anak ni Honda ay namatay at binuking niya na ang lahat ng gumagamit ng COMP ay malaya na. Ito ay itnuturing sa "hindi magandang" pagtatapos.

King of Demons

baguhin

Ang King of Demons ay ang pagtatapos na kapag pinili mo si Naoya na kausapin sa dulo ng ikaanim na araw. Ang pagpili ng landas na ito ang dahilan kung bakit iiwanan ni Yuzu, Midori at Keisuke ang iyong grupo, pero sasali ka sa grupo nila Naoya at Kaido. Sasabihin ng gobyreno na ililipat nila ang huling opsiyon sa tanghali; Nakipagsundo si Naoya kay Fushimi at matagumpay na kinumbinsi na ibalik na lang ng dalawa pang oras ang huling opsiyon. Matatalo mo si Jezebel, isa sa mga tagapaglingkod ni Belberith at ang nakatira sa loob ng katawan ni Amane. Bago supilin si Remiel at ang mga miyembro ng Shomonkai. Ang grupo ay pupunta sa gusali na kung saan makikita nila si Anael, Sariel at Beelzebub. Kasunod sa laban na ito, ang grupo ay pupunta sa gusali at haharapin si Belberith at Babel. Matatanggap ng protagonista ang kapangyarihan ng "King of Bel", at ang mga tao sa buong syudad ay nananatiling natatakot para sa hinaharap at pinaghahanda na nito ang mga demonyo para sa digmaan sa Diyos.

Kingdom of Saints

baguhin

Ang Kingdom of Saints ay ang pagtatapos kapag pinili mo si Amane na kausapin sa dulo ng ikaanim na araw. Matapos mong kalabanin ang Four Devas at si Belberith, makakalaban mo si Babel. Kapag natalo mo si Babel ikaw ay magiging isang "King of Bel" tapos magiging Messiah. Pagkatapos mo maging Messiah ang lockdown ay matatapos na at ang protagonista ay patuloy parin gagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang Messiah. Kapag natapos mo na ang landas na ito, maari mo ng masanib si Metraton sa Cathedral of Shadows.

Silent Revolution

baguhin

Ang Silent Revolution ay ang pagtatapos na kapag pinili mo si Atsuro na kausapin sa dulo ng ikaanim na araw. Kailangan mo matalo si Naoya upang sumang-ayon siya na palitan ang server. Hindi mo kakalabanin si Jezebel dahil sabi ni Amane biglang nawala ito (maaring tumakbo ito, o kaya naman pinatay ni Belberith). Makakalaban mo si Belberith at pagkatapos ay si Babel naman. Kung sakaling matatalo mo si Babel papayagan ka nito na patakbuhin ang bagong server, na pinapayagan lang piliin ang mga napiling pwersa, katulad ng militar, pulis, o gobyerno para makontrol ang lahat ng mga demonyo.

Song of Hope

baguhin

Ang Song of Hope ay ang pagtatapos na kapag pinili mo si Gin na kausapin sa dulo ng ikaanim na araw. Makakausap mo rito si Gin sa umaga, pag-uusapan ninyo na puntahan si Haru at Amane. Kapag natagpuan na nito si Haru ay sasabihin ninyo na kailangan na niya magawa ang kanta bago pa ipatupad ang huling desisyon ng gobyerno ngunit sasabihin ni Izuna na ginawa ng 13:00 ito. Kaya mababahala na ang protagonista at ang mga kasama nito kaya agad nilang pupuntahan si Amane at sasabihin kung paano maabot ang server at kung paano rin kargahin ang awit ni Haru. Sasabihin ni Amane na kailangan ng protagonista na maging Messiah at kalabanin si Jezebel sa loob ng katawan ni Amane at ang iba pang mga Bel, Four Devas at si Belberith. Pagkatapos makalaban si Jezebel at ang iba pang Bel, ang Four Devas, at si Belberith, kailangan mong protektahan si Haru at kontrolin si Atsuro upang maabot nila ang server upang ikarga ang awit ni Haru at kakalabanin ng protagonista si Babel. Kapag natalo mo ang unang anyo ni Babel ay mapapadala ang lahat ng mga demonyo pabalik sa tunay na mundo nito. Ang protagonista ay magiging isang Messiah at matatapos na ang lockdown.

Shin Megami Tensei: Devil Survivor Original Soundtrack
 
Soundtrack - Takahiro Mizushima, Minori Chihara at Atsushi Abe
Inilabas26 Agosto 2009
UriVideo game soundtrack
TatakGENEON UNIVERSAL ENTERTAINMENT

Drama CD

baguhin

Ang Drama CD ng Devil Survivor ay inilabas noong 26 Agosto 2009.

Ang manga ng Devil Survivor ay isang manga adaption ng Shin Megami Tensei: Devil Survivor at ang sining at kuwento ay kay Satoru Matsuba. Ang kuwento ay magsisimula sa Tokyo matapos mangyari ng lockdown. Ang kuwento ay sinundan ng mga kabataan na nahuli sa labanan.[2]

Muling Paggawa sa 3DS

baguhin

Inanunsyo ng tagapaglathala ng Shin Megami Tensei: Devil Survivor na meron silang ilalabas sa Nintendo 3DS na pinagandang gawa ng Devil Survivor na pinamagatang Shin Megami Tensei: Overclocked.

Ang katangian ng mga larong ito ay katulad lang sa Devil Survivor. Nagkaroon lang ito ng mga bagong bells at whistles, mga pag-arte ng mga tauhan na may nagsasaboses, pinagandang grapika na nasa 3D higher resolution at karagdagang araw sa kuwento.

Sanggunian

baguhin
  1. Sinclair, Brendan (2011-01-26). "Devil Survivor 3DS damning North America". GameSpot. Nakuha noong 2011-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Shin Megami Tensei: Devil Survivor's Manga Launched". 27 Mayo 2012. Nakuha noong 27 Mayo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)