Ang Shingō (新郷村, Shingō-mura) ay isang nayon sa Sannohe District ng timog-sentral na Prepekturang Aomori sa Rehiyong Tōhoku ng Hapon. Noong 2009, ang nayon ay may tinatayang populasyon na 2,717 at isang densidad ng populasyon na 18 tao kada km². Ang kabuuang area nito ay 150.85 km². Ang nayong ito ay nagtataguyod ng sarili nito bilang tahanan ng Libingan ni Kristo (キリストの墓, Kirisuto no Haka).

Shingō

新郷村
Village
Shingō Village Office
Shingō Village Office
Opisyal na sagisag ng Shingō
Sagisag
Location of Shingō in Aomori
Location of Shingō in Aomori
Shingō is located in Japan
Shingō
Shingō
 
Mga koordinado: 40°27′49.19″N 141°10′27.53″E / 40.4636639°N 141.1743139°E / 40.4636639; 141.1743139
CountryJapan
RegionTōhoku
PrefectureAomori
DistrictSannohe
Lawak
 • Kabuuan150.85 km2 (58.24 milya kuwadrado)
Populasyon
 (April 2012)
 • Kabuuan2,717
 • Kapal18/km2 (50/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Japan Standard Time)
- TreeAesculus
- FlowerAsian skunk cabbage
Phone number0178-78-2111
Address
039-0801
WebsaytShingō Village

Kasaysayan

baguhin

Ang area sa palibot ng Shingō ay kinontrol ng angkan na Nambu ng Sakop na Morioka noong panahong Edo. Noong repormang cadastral ng 1889, ang nayon na Herai at kapitbahay na nayon ng Nozawa ay nabuo. Noong Hulyo 29, 1955, ang kanluraning bahagi ng nayo ng Nozawa ay sumanib sa Herai na muling pinangalanang Shingō.

Heograpiya

baguhin

Ang Shingō ay nasa timog-sentral na Prepekturang Aomori sa silangan ng Ilog Towada. Ang karamihan ng nayon ay bulubundukin na tumataas ng higit sa 1000 metro sa altitudo malapit sa hangganan sa Prepekturang Akita.

Mga kapitbahay na munisipalidad

baguhin

Aomori Prefecture

Akita Prefecture

Libingan ni Hesus

baguhin

Ang Shingō, Aomori ang sinasabing lokasyon ng libingan ni Hesus(Kirisuto no haka) at ang tirahan ng kanyang mga huling inapo na pamilya ni Sajiro Sawaguchi. Ayon sa pag-aangkin ng kanyang pamilya, sa halip na si Hesus ang ipinako sa krus ay ang kanyang kapatid na si Isukuri ang ipinako at si Hesus ay tumakas sa Hapon at naging magsasaka ng kanin, nagpakasal, nagkaroon ng pamilya at tatlong anak na babae at namatay sa edad na 106. Ang isa pang punso malapit sa libingan ni Hesus ay sinasabing naglalaman ng tenga ng kapatid ni Hesus at ang buhok ni Marya na tanging mga relikong madadala ng pamilya ni Hesus nang sila ay tumakas mula sa Hudea. Ang mga pag-aangking ito ay nagsimula noong 1933 pagkatapos matuklasan ang pinagpapalagay na sinaunang mga dokumentong Hebreo na nagdedetalye ng buhay at kamatayan ni Hesus sa Hapon na testamento ni Hesus. Ang mga dokumentong ito ay sinasabing kinuha ng mga autoridad at dinala sa Tokyo bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at hindi na nakita mula nito.