Shirley Chisholm
Si Shirley Anita St. Hill Chisholm (30 Nobyembre 1924 – 1 Enero 2005) ay isang Amerikanang politiko, edukador, awtor.[1] Isa siyang kongresistang babae na kumakatawan sa ika-12 distritong pangkongreso ng Bagong York sa loob ng pitong panahon ng panunungkulan o termino mula 1969 hanggang 1983. Noong 1968, siya ang naging unang Aprikanong Amerikanong babaeng nahalal sa Kongreso ng EStados Unidos. Noong 25 Enero 1972, siya ang naging unang Aprikanang Amerikanang kandidata ng isang pangunahing partido para sa pagka-Pangulo ng Estados Unidos. Tumanggap siya ng 152 pang-unang balotang mga boto sa Pamansang Kumbensiyon ng mga Demokratiko (partido) noong 1972.[2][3]
Sanggunian
baguhin- ↑ Dokumentaryong P.O.V. ng PBS. "Chisholm '72: Unbought & Unbossed"
- ↑ Jo Freeman, Shirley Chisholm's 1972 Presidential Campaign
- ↑ Shirley Chisholm, Our Campaigns (Mga Pangangampanya Namin)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.