Si Shirley Temple (23 Abril 1928 – 10 Pebrero 2014) ay isang Amerikanang aktres at mananayaw, na naging tanyag sa pagiging batang atkres noong dekada 1930 at naglingkod bilang isang diplomatiko. Una siyang nakilala sa kanyang pagsayaw at pag-arte sa Stand Up And Cheer at sumikat ng husto sa papel ng isang ulila sa pelikulang Bright Eyes noong 1934.[1]

Shirley Temple
Shirley Temple at ang dating Unang Ginang na si Eleanor Roosevelt noong 1938.
Kapanganakan
Shirley Temple[note 1]

(1928-04-23) 23 Abril 1928 (edad 96)
Kamatayan10 Pebrero 2014(2014-02-10) (edad 85)
Woodside, California
Ibang pangalanShirley Temple Black
TrabahoAktres
Aktibong taon1932–1961
AsawaJohn Agar (1945–1950, 1 anak)
Charles Alden Black (1950–2005, 2 anak)
Pirma

Personal na buhay

baguhin

Pinanganak si Temple sa Santa Monica, California kay George Francis Temple (1888–1980), isang bankero, at Gertrude Amelia Krieger (1893–1977), na isang retiradong mananayaw.[2][3] Mayroon siyang dalawang kapatid, si Jack (1915-1985) at George Jr. (1919-1996).[3][4][5] Mahilig ang kanyang ina sa pagsayaw, at ito ang nagtulak kay Shirley sa pagiging isang artista. Palaging kasama ng aktres ang kanyang ina noong mga panahon bilang isang batang aktres. Si Gertude ang mismong nag-aasikaso sa mga damit ng kanyang anak at sa mga script na kanyang isinasaulo.

Buhay politika

baguhin

Pagkatapos ng kanyang pag-sabak sa pag-arte, naging aktibong kasapi si Temple ng Republican Party of California. Tumakbo siya noong 1967 bilang kinatawan ng ika-11 na distrito ng California ngunit nabigong makuha ang puwesto. Kinalaunan ay tinalaga siya ni Pangulong Richard Nixon sa ika-24 United Nations General Assembly, at naging misyong diplomatiko ng Estados Unidos sa Ghana (December 6, 1974 – July 13, 1976) sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Gerald R. Ford.

Siya ay naging kaunaunahang Chief of Protocol of the United States (July 1, 1976 – January 21, 1977), at namahala sa panunumpa ni Jimmy Carter bilang Pangulo.[6][7] Nagsilbi din siya bilang misyong diplomatiko ng Estados Unidos sa Czechoslovakia (August 23, 1989 – July 12, 1992), sa ilalim ng panunungkulan ni President George H. W. Bush.[8]

Pag-panaw

baguhin

Pumamaw si Temple sa edad na 85 taong gulang noong ika-10 ng Pebrero 2014.[9][10] Siya ay nasa kanyang tahanan sa Woodside, Kalipornya kasama ang kanyang mga ka-anak at tagapagalaga.

Academy Award

baguhin

Academy Juvenile Award

  • 1935 Outstanding Contribution in 1934

Screen Actors Guild Award

baguhin

Life Achievement Award

  • 2005 Lifetime Achievement

Pelikula

baguhin

Tinanghal

baguhin

Mga maikling pelikula

baguhin

Mga puna

baguhin
  1. Ginagamit minsan ni Temple ang "Jane" bilang panggitnang pangalan, ngunit nakasaad sa kanyang katibayan ng pagsilang na ang pangalan niya ay "Shirley Temple". (Burdick 5; Edwards 23n, 43n).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Edwards 67
  2. Edwards 15,17
  3. 3.0 3.1 Windeler 16
  4. Edwards 15
  5. Burdick 3
  6. Edwards 357
  7. Windeler 105
  8. Thomas; Scheftel
  9. "Hollywood star Shirley Temple dies". BBC News. 11 Pebrero 2014. Nakuha noong 11 Pebrero 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Shirley Temple, former Hollywood child star, dies at 85". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 22, 2014. Nakuha noong Pebrero 11, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga librong sinangguni

baguhin

Kawing panlabas

baguhin
 
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito: