Sigaw ng Pugad Lawin

pulong kung saan nagpasiya ang mga kasapi ng Katipunan na manghimagsik laban sa Espanya
(Idinirekta mula sa Sigaw sa Balintawak)

Ang Sigaw sa Pugad Lawin (kilala din sa orihinal na tawag na Sigaw ng Balintawak) ay ipinahayag ng Katipunan at naging simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang makamit ang kasarinlan.[1]

Nang huling bahagi ng Agosto 23 1896, ang mga kasapi ng Katipunan (Katipunero) sa pamumuno ni Andres Bonifacio ay naghimagsik sa isang lugar na tinatawag na Kalookan, na mas malawak sa kasalukuyang nasasakupan ng Lungsod ng Kalookan na maaaring naisanib na ngayon sa kasalukyang Lungsod Quezon.[2]

Orihinal na tumutukoy ang katawagang "Sigaw" sa sagupaan sa pagitan ng mga Katipunero at ng mga Guwardiya Sibil. Maari din na tumukoy ang sigaw sa pagpunit ng sedula (cédulas personales) bilang pagsuway sa batas at kautusan ng Espanya. Ito ay literal na may kasamang makabayang sigaw.[3]

Dahil sa magkakaibang pahayag at kalabuan ng lugar kung saan nangyari ito, ang tumpak na petsa at lugar ng sigaw ay pinagtatalunan pa.[2][3] Mula 1908 hanggang 1963, ang opisyal na paninindigan ay nangyari ang sigaw noong Agosto 26 sa Balintawak. Noong 1963, ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nangyari ang sigaw noong Agosto 23 sa Pugad Lawin, Lungsod Quezon.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sichrovsky, Harry. "An Austrian Life for the Philippines:The Cry of Balintawak". Nakuha noong 2009-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Guerrero, Milagros; Encarnacion, Emmanuel; Villegas, Ramon (1996), "Balintawak: the Cry for a Nationwide Revolution", Sulyap Kultura, National Commission for Culture and the Arts, 1 (2): 13–22{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  3. 3.0 3.1 3.2 Borromeo-Buehler, Soledad M. (1998), The cry of Balintawak: a contrived controversy : a textual analysis with appended documents, Ateneo de Manila University Press, ISBN 978-971-550-278-8.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.