Ang sigsag, paese-ese, o ese-ese (Ingles: zigzag) ay ang katawagan para sa anyong paliku-liko sa isang bagay katulad ng ibinuburda sa tela o disenyo ng kalsada, partikular na ang nasa mga bundok. Katumbas ito ng mga pariralang pormang bitukang-manok at ala-bitukang-manok. Katumbas din ito ng mga salitang pasiwat-siwat, pasikut-sikot, paikut-ikot, liku-liko, pakiwal-kiwal, pabalu-baluktot, at taluganti.[1][2]

Guhit ng isang sigsag.

Mula sa punta de bista ng simetriya o mahusay na proporsyon, maaring gawin ang isang regular na sigsag mula sa isang payak na paksa tulad sa isang bahagi ng linya na ginagawa sa pamamagitan transpleksyon.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Sigsag, zigzag, ese-ese, paese-ese". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1229.
  2. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Zigzag, paese-ese, paliku-liko". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 195.