Ang mga sigurat ay natatanging hakbang-hakbang na mga templong-toreng kahawig ng mga tagilo o piramide[1], na yari sa mga hinabing mga tambo na may kahalong putik. Isa itong kayariang yari sa likas na yamang nilikha ng mga malikhaing mga Sumerio, isang sinaunang mga urbanong kabihasnan na binubuo ng mga mamamayang nanirahan sa katimugang Mesopotamya noong mga ikatlong milenyo bago dumating si Kristo. Isa lamang ito sa mga nilikhang bagay ng mga taga-Sumeria, bukod sa arko, gulong, ang pagsulat ng cuneiform, mga bangka, tahanan, at palasyo.[2]

Isang sigurat.

Sa Bibliya

baguhin

Sa Aklat ng Genesis sa Lumang Tipan ng Bibliya, nagkaroon ng panaginip si Jacob hinggil sa isang hagdan o hagdanan ng mga anghel. Iniuugnay ang hagdanang ito sa mga sigurat ng paliwanag na nagmula sa aklat na pinamagatang 500 Questions & Answers from the Bible ("500 mga Katangungan at Katugunan mula sa Bibliya"). Dahil ito sa pagkakaroon ng mga sigurat na may maliliit na dambanang pangpananampalataya, pagdarasal, at pag-aalay ng mga sakripisyo noong panahon ni Jacob sa kanyang bahagi ng mundo. Nilarawan ito bilang isang hagdan o hagdanang umaabot mula sa lupa ng mundo magpahanggang sa kalangitan.[3]

Sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Zigurat, sigurat - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Ziggurat." Reader's Digest (1995). "Biblical Chronology, pahina 977". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "What's the point of Jacob's dream of a stairway of angels?, Genesis 28:12". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 5.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Arkitektura at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.