Sikhye
Ang Sikhye (binabaybay din na shikhye o shikeh) ay isang tradisyunal na Koreano na inumin gawa ng bigas, kadalasan ay nakasilbi bilang isang panghimagas. Maliban pa sa likido na laman ng inumin na ito, ang sikhye ay naglalaman din ng butil ng kanin, at minsan nuwes ng pino din.
Sikhye | |
Pangalang Koreano | |
---|---|
Hangul | 식혜 |
Hanja | 食醯 |
Binagong Romanisasyon | sikhye |
McCune–Reischauer | sikhye |
Paghahanda
baguhinAng Sikhye ay ginawa sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig na malta sa nakalutong kanin. Ang tubig na malta ay magbabad sa kanin sa karaniwang 150 degrees Parenhayt hanggang ang mga butil ng bigas ay lumitaw. Pagkatapos ibubuhos ang likido para maiwan lamang ang mga butil, at kinakuluan ito na may dagdag na asukal. Luya o dyudyube ay madalas na idinagdag para sa karagdagang lasa. Ito ay sinisilbi na pinalamig. Sa Timog Korea at sa mga pamilihin na Koreano na natatagpuan sa paligid, ang sikhye ay madaling mahahanap na nakalaman sa lata o plastic na bote. Ang isa sa mga pinakamalaking tagagawa ng sikhye sa Timog Korea ay ang kompanya ng [[Vilac] ng Busan. Hindi tipiko sa mga ibang inuming de-lata ang pagkakalaman ng mga butil na kanin sa ilalim ng bawat isang de-latang Sikhye na nabibili. Sikhye na nagagawa sa bahay ay madalas na sinisilbi pagkatapos kumain ng isang pagkain.
Mayroong ilang mga panrehiyong pagkakaiba-iba ng sikhye. Ilan sa mga ito ay ang Andong sikhye at yeonyeop sikhye o yeonyeopju, at mga iba't-ibang sikhye na nagawa sa probinsiya ng Gangwon. Andong sikhye ay nagkakaiba sa mga ibang sikhye dahil ito ay nakakalaman ng labanos, karot, at pulbos na pulang paminta. Sapagkat ang matamis na de-latang sikhye o ang mga sikhye na nagagwa sa bahay ay naging isang inumin na panghimagas, ang Andong sikhye ay iniinom bilang isang pagtunaw na inumin.
Pangalan
baguhinSikhye ay tinatawag din na dansul (단술) at gamju (감주; 甘酒). Ang mga pangalan na ito ay parehong ibig sabihin na matamis na alak. Gayunman, ang dalawang pangalan na ito ay ginagamit din upang tawagin ang ibang alkohol na inumin na gawa ng bigas at tawag dito ay gamju.