Ang siklo ng negosyo (Ingles: business cycle o economic cycle) ang ekonomikang pagbabago-bago (fluctuations) sa produksiyon o gawaing ekonomika sa loob ng ilang buwan o mga taon. Ang pagbabago-bagong ito ay nangyayari sa isang pangmatagalang takbo ng pag-unlad at karaniwang sumasangkot sa pagbabago sapanahon sa pagitan ng mga periodo ng mabilis na paglagong ekonomika (expansion o boom) at periodo ng relatibong stagnasyon o pagbagsak (resesyon). Ang siklog negosyo ay karaniwang sinusukat sa pamamagitan ng pagtingin ng reyt ng paglago ng real na pangkalahatang produktong domestiko (GDP). Bagaman ito ay tinawag na "siklo, ang mga pagbabago-bagong ito sa gawaing ekonomika ay hindi sumusunod sa isang mekanikal o mahuhulaang mga periodikong paterno.[1]

Mga sanggunian

baguhin