Sikolohiyang pangkatauhan
Ang sikolohiyang personalidad ay isang sangay ng sikolohiya na nagsusuri ng personalidad at ang mga pagkakaiba nito sa bawat indibidwal.
Sakop nito ang mga sumusunod:
- Paggawa ng maliwanag na larawan ng isang indibidwal at ang kanyang pangunahing prosesong sikolohikal.
- Imbestigasyon ng indibidwal na pagkaka-ibang sikolohikal
- Imbestigasyon ng katauhan at sikolohikal na pagkakatulad sa pagitan ng mga indibidwal na tao
Ang "personalidad" ay ang nagbabago at organisadong katangian ng isang tao na katangi-tanging nakaka-impluwensya sa kanyang kapaligiran, kognisyon, damdamin, motibasyon at agham ng pag-uugali sa iba’t ibang situwasyon. And salitang “personalidad” ay nagmula sa Latin na persona na ang ibig sabihin ay maskara.
Ang personalidad ay tumutukoy din sa takbo ng pag-iisip, damdamin, pakikitungo at asal ng isang indibidwal na malaki ang nagiging impluwensya sa kanyang mga inaasahang mangyayari, pagtingin sa sarili, paniniwala at saloobin. Ito rin ay nakakapagsabi ng magiging reaksyon ng isang tao sa ibang tao, sa problema at sa matinding pagkabahala. Walang pa ring unibersal na kasunduan sa kahulugan ng "personalidad" sa sikolohiya. Si Gordon Allport (1937) ay nagbigay ng dalawang pangunahing paraan sa pag-aaral ng personalidad: ang nomothetic at ang idiographic. Ang sikolohiyang nomothetic ay naghahanap ng pangkalahatang patakaran na maaaring gamitin para sa iba't ibang tao, tulad ng prinsipiyo ng sariling pangkatuparan at ang ugali ng extraversion. Ang sikolohyang idiographic ay isang tangka o pagbabalak sa pag-unawa ng mga kakaibang aspekto ng isang partikular na indibidwal.