Silly Bandz
Ang Silly Bandz ay mga taling gomang gawa sa silicone na may iba’t ibang korte gaya ng mga korteng hayop, mga numero, mga titik, at iba pa. Ang mga ito ay ipinapamahagi ng BCP Imports at karaniwang sinusuot na parang pulseras. Mabibili rin ang mga ito ng tingian na nasa pakete at may mga temang tulad ng mga prinsesa o mga hayop. Ang isang paketeng naglalaman ng 24 na piraso ay nagkakahalagang $5 samantalang ang isang paketeng naglalaman naman ng 12 piraso ay mabibili lamang sa $2.50. May mga mabibili ring mga gomang pantali na may iba’t ibang hugis at korte na iba ang tatak mula sa iba’t ibang mga kompanya. Ngunit sa kasamaang-palad, ang mga Silly Bandz ay ipinagbawal na sa ibang mga paaralan dahil ang mga ito daw ay distraksiyon. May mga insidenteng sobrang dami kung magsuot ng Silly Bandz ang ibang mga bata na naging sanhi ng pagkaroon ng aberya sa kanilang sirkulasyon ng dugo.
Pinagmulan at Konsepto
baguhinAng Silly Bandz ay mabibili sa iba’t ibang hugis at kulay. Maaari silang isuot sa braso bilang pulseras at bumabalik naman sila sa kanilang orihinal na hugis pag hindi sila sinusuot. Karaniwan silang sinusuot ng maramihan sa isang braso at itinuturing ng iba na mga collectibles na maaaring ipagpalit sa mga Silly Bandz ng iba. Maaari rin silang gamitin para sa orihinal nilang gamit bilang isang regular na pantaling goma.
Unang naimbento ang mga pantaling goma na may iba’t ibang hugis noong 2002 ng Passkey Design, isang Hapon na design team na kinabibilangan nina Yumiko Ohashi at Masonar Haneda. Gumawa sila ng mga hugis hayop para himukin ang mga tao na iwasan ang agarang pagtapon ng mga goma pagkatapos gamitin ng isang beses lamang. Una nila itong pinangalanang "Animal Rubber Bands" at nanalo ng Best Design Award sa 2003 Japanese National Competition. Hindi pa ito kalat noon sa America pero noong 2005, naging popular at mabenta agad ito sa Guilford, Connecticut at sa Design Store sa New York City Museum of Modern Art. Napansin ito ni Robert Croak, may-ari ng Toledo (BCP Imports sa Ohio na kilala sa pagdidistribyut ng wristbands), sa isang paglalakbay-gawain at naisipang ibenta ang mga ito bilang mga laruan. Ginawa niya itong mas makakapal at mas malalaki. Naging uso itong palamuti sa katawan.
Distribusyon at Resepsiyon
baguhinAng unang pangkat ng Silly Bandz ay naibenta sa internet noong Nobyembre 2008. Sa unang bahagi ng 2009 unang naimbak ang Silly Bandz sa Learning Express sa Birmingham, Alabama para maibenta ng tingi. Pagdating ng panahon ng taglagas ng taong iyon, kumalat ito sa timog America paakyat ng silangang bahagi ng America sa New Jersey, Long Island, at Staten Island noong Nobyembre 2009.
Noong Abril 2010 lamang nagsimulang magbenta ng mga pakete ng Silly Bandz na may tig-24 at tig-12 na piraso na nagkakahalagang $5 at $2.50. Karaniwang may tema ang mga hugis ng bawat pakete gaya ng mga hayop at mga prinsesa. Pagdating ng Agosto 2010, lumaganap sa 8,000 tindahan ang nagbebenta ng Silly Bandz hindi lamang sa America pati na rin sa mga piling lugar sa Canada. Setyembre taong 2010 nang maglagay ng Silly Bandz ang isang restawran, Quiznos, sa kanilang kid’s meal. Nakatamo rin ng pitong pwesto ang Silly Bandz sa listahan ng Best-Selling Toys and Games ng Amazon. Sinabi naman sa isang artikulo noong Disyembre 2010 na mas madali umano mahanap ang ibang tatak ng mga gomang may iba't ibang hugis gaya ng Logo Bandz, Cool Bandz, Zany Bandz, at Googly Bandz na binebenta ng Wal-Mart. Naglabas naman ang Silly Bandz ng mga pakete na may temang kaakibat ang mga sikat na sina Justin Bieber at Kim Kardashian. Maaaring magpagawa at makabili ng Silly Bandz sa hugis na iyong gusto ng bultuhan mula sa BCP Imports kung ang iyong bibilhin ay 5000 piraso o higit pa. Sa huling bahagi ng 2010, naglabas ng isang laro ang Zoo Games base sa Silly Bandz na maaaring malaro sa Nintendo DS at iPhone. Noong 2011, naglabas ang Winter's brand chocolates ng mga tsokolateng Chin Chin na may kasamang Silly Bandz sa pakete na ibinenta sa Timog America sa ilalim ng pangalang Animaligas.
Mga sanggunian
baguhin^ Marek, Alison (Disyembre 2009). "Rubber Band Wars Break Out in Specialty". Toy Directory. Retrieved 12 Nobyembre 2011.
^ a b c "Animal Rubber Bands - Zoo". Toy Directory. Retrieved 12 Nobyembre 2011.
^ "animal rubber band [+d."]. Plus-D. Retrieved 10 Abril 2011.
^ "August Peeks". Toy Directory. Agosto 2011. Retrieved 12 Nobyembre 2011.
^ "Silly Bandz all the rage this holiday".
^ Berfield, Susan (2010-06-10). "The Man Behind the Bandz". BusinessWeek. Retrieved 2010-08-19.
^ "WHOIS Results for silly bandz.com".
^ Wellington, Elizabeth (2010-05-12). "It's all on the wrist: Bands are ultra cool | Life". Houston Chronicle. Retrieved 2010-08-19.
^ a b c d George, Tara (16 Abril 2010). "Silly Bandz, the Bracelets That Spring Off Shelve". The New York Times. Retrieved 24 Abril 2010.
^ "Quiznos Silly Bandz Kids Meal - Sillybandz Blog". Retrieved 7 Abril 2011.
^ Janes, Théoden (22 Abril 2010). "Silly bandz = serious business". The Charlotte Observer. Retrieved 24 Abril 2010.
^ "Silly Bandz". Galesburg Register-Mail. 12 Disyembre 2010. Retrieved 5 Enero 2010.
^ "Kardashian Silly Bandz Coverage - Sillybandz Blog". Retrieved 7 Abril 2011.
^ "Justin Bieber Silly Bandz - Sillybandz Blog". Retrieved 7 Abril 2011.
^ "SillyBandz - Custom Silly Bandz by BCP Imports, LLC". Retrieved 7 Abril 2011.
^ "IGN: Silly Bandz". Retrieved 31 Disyembre 2010.
^ "IGN: Silly Bandz". Retrieved 31 Disyembre 2010.
^ "Promoción Chin Chin Animaligas". Promo Gana Perú. (Spanish)
^ Rochman, Bonnie (25 Mayo 2010). "Silly Bandz Banned — What's a Schoolkid to Do?". Time Magazine.
^ "Some Wichita-area schools have opted to ban Bandz". The Wichita Eagle - Kansas.com. 4 Oktubre 2010.
^ Mason, Anthony (2010-05-13). "Silly Bandz Success Anything But Silly". CBS Evening News. Retrieved 2011-03-20.
^ Mikkelson, Barbara; Mikkelson, David P. (27 Agosto 2010). "Wrist Risk". Snopes. Retrieved 12 Nobyembre 2011.
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2013) |