Upuan
Ang upuan o bangkito[1] ay gamit sa bahay o opisina na nagsisilbing patungan o luklukan ng puwit. Ginagamit ito bilang katambal ng hapag-kainan o maging sa pagbabasa man ng aklat o peryodiko, at maging sa pamamahinga lamang at paglilibang na kaharap ang umaandar na telebisyon. Mayroon din itong bahaging pinagsasandalan ng likod ng tao.
Ang mga upuan ay kadalasang sinusuportahan ng mga paa at may likuran na ginagamit bilang pang-sandal. Ang mga upuan ay pwedeng magkaroon ng tatlong paa lamang o magkaroon ng ibang hugis.
Mga uri
baguhinKabilang sa mga uri ng upuan ang likmuan (Ingles: reclining chair), taburete (isang upuang walang patungan ng mga kamay at braso), silyang may-gulong (Ingles: wheel chair), silyon (Ingles: armchair, isang silyang may patungan ng mga kamay), tumba-tumba (Ingles: rocking chair), bangko (mga mahahabang upuan na kalimitang matatagpuan sa loob ng simbahan (Ingles: pew) o mga liwasan (Ingles: bench), at silyeta (maliit at mababang upuan). May kasamang luhuran ang mga bangkong pansimbahan.
Kasaysayan
baguhinAng upuan ay kilala sa angking kalumaan nito at pagiging simple bagamat sa maraming nakaraang siglo, ito ay isang simbolo ng Estado at dignidad imbis na isang ordinaryong muwebles.
Ang mga komite, mga direktor at mga iba pang may kinalamang grupo o organisasyon ay may tinatawag na "Chairman".
Mayroon nang mga upuan simula nang panahon ng Sinaunang Ehipto.[2] Mayroon na ding mga imahe ng upuan sa Sinaunang Tsina na makikita sa mga Budistang mural o estele (mga mataas na monumentong ukit gamit ang bato).[3]
Noong panahon lang ng Renasimiyento sa Europa naging uso ang paggamit ng upuan sa mga ordinaryong tao at pamilya.[4]Mas naging madali makabili ng upuan at mas naging mura ito nang panahon ng Rebolusyong Industriyal sa pagkakaroon ng mga makinaryang panggawa ng produkto.[5]
Sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Upuan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Furniture". Ancient Egyptian Furniture. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-10-21. Nakuha noong 2012-05-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kieschnick, John. The Impact of Buddhism on Chinese Material Culture, Princeton University Press, 2003, pp.222-248.
- ↑ "From Benches to Barstools: A History of Chairs, Posture, and Society". Random History. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-07-10. Nakuha noong 2012-05-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "From Benches to Barstools: A History of Chairs, Posture, and Society". Random History. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-07-10. Nakuha noong 2012-05-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)