Simbahan ng Gesù, Frascati

41°48′31″N 12°40′52″E / 41.80861°N 12.68111°E / 41.80861; 12.68111

Patsada ng Simbahan ng Gesù sa Frascati.

Ang Simbahan ng Gesù ay isang simbahang Katoliko Romano sa Frascati, sa lalawigan ng Roma, sa Italya.

Ang orihinal na simbahan ay itinayo noong 1520. Noong 1554, sinimulan ng lungsod ang pagtatayo ng ibang simbahan upang mapalitan ang orihinal na simbahan., ngunit hindi ito kinumpleto. Noong 1560, inangkin ng mga Heswita ang pook at kinumpleto ito noong 1597, tinawag itong simbahan ng Anunsiyo ng Mahal na Maria. Noong 1694 nagpasya ang mga Heswita na palawakin ang simbahan at kinumpleto ang bagong simbahan noong 1700.

Ang ika-18 siglo na si Pinagpalang Antonio Baldinucci ay lumikha ng isang partikular na debosyon sa imaheng Refugium Peccatorum (Kanlungan ng mga May-sala) ng Birheng Maria sa simbahan, na itinuring na naghihimala. Ang mga Heswita ay nagkalat ng mga kopya ng imahen sa Mexico noong ika-19 na siglo at nagsimula itong mailarawan sa mga misyon doon.[1]

Isinagawa rito ni San Vincent Mary Pallotti ang kaniyang unang misa.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. The art and architecture of the Texas missions by Jacinto Quirarte 2002 ISBN 0-292-76902-4 p. 183
  2. Vogel, John. "Venerable Vincent Mary Pallotti." The Catholic Encyclopedia. Vol. 11. New York: Robert Appleton Company, 1911. 24 Jun. 2013
baguhin