Simbahang Kolehiyal ng Santa Maria Assunta, Sermoneta
Ang Simbahang Kolehiyal ng Santa Maria Assunta (Italyano: Collegiata di Santa Maria Assunta, Sermoneta) ay isang Gotikong simbahang matatagpuan sa Sermoneta, katimugang Lazio, Italya. Ang simbahan ay madalas na tinutukoy bilang isang katedral ("cattedrale") ngunit hindi pa naging luklukan ng isang obispo. Ito ay inialay sa Pag-aakyat sa Langit kay Maria.
Kasaysayan
baguhinAng simbahan ay naitala sa kauna-unahang pagkakataon noong ika-12 siglo (1149-60). Isang palaeo-Kristiyanong simbahan ay naitayo noong ika-5 siglo sa isang templo na alay sa paganong diyosang si Cibeles. Ang simbahang Romaniko ay iniayos sa susunod na siglo patungo sa estilong Gotiko.