Simon na Zelote

(Idinirekta mula sa Simon ang Masigasig)
Huwag itong ikalito kay Simon Pedro.

Si Simon na tinawag na Zelote at isinalin sa ilang Bibliyang Tagalog na Simon na Makabayan[1] (Simon the Zealot sa Ingles).[2] ay isa sa mga unang labindalawang alagad ni Hesus. Kilala rin siya bilang Simon na Cananeo[3] Tinawag siya ni San Lucas bilang Simon ang Mapagmalasakit.[3] Nangangahulugan ang salitang Cananeo (Cananaean sa Ingles) ng mapagmasakit, mapagmalasakit, masikap, masigasig, mabalasik, o "panatiko," isang "taong nagpapakita ng marubdob na pananalig o paglilingkod."[4][5][6] Ilang sudoepigrapikong sulat ang nakakonekta sa kanya, subalit hindi siya sinama ni Jeronimo sa De viris illustribus na sinulat sa pagitan ng 392 at 393 AD.[7]

Si San Simon na Cananeo.

Pagkakakilanlan

baguhin

Makikita ang pangalang Simon sa lahat ng Sinoptikong Mabuting Balita at sa Aklat ng mga Gawa tuwing mayroong tala ng mga alagad, na walang binibigay na detalye:

Sila ay sina Simon, na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na tinawag na Zelote, si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil.

— Lucas, 6:14–16

}

Pagkasanto

baguhin

Tinuturing si Simon, tulad ng ibang Alagad, na isang santo ng Simbahang Romano Katoliko, mga Simbahang Ortodokso ng Silangan, Ortodoksiyang Oriental, mga simbahan ng Komunyong Anglikano at Simbahang Lutherano. Naalala si Simon (kasama si Judas) ng Simbahan ng Inglatera sa pista tuwing Oktubre 28.[8]

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. Magandang Balita Biblia: May Deuterocanonico. Philippine Bible Society. 2005. ISBN 978-971-29-0916-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Mateo 10:4
  2. "What criteria did Jesus use to choose His disciples?, pahina 145". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Abriol, Jose C. (2000). "(a) Marcos 3:18; (b) Mga Gawa 1:13". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Apostles, pahina 332-333". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Blake, Matthew (2008). "Zealous at zealot". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Gaboy, Luciano L. Zealot at Zealous - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  7. Booth, A.D. (1981). "The Chronology of Jerome's Early Years". Phoenix (sa wikang Ingles). Classical Association of Canada. 35 (3): 241. doi:10.2307/1087656. JSTOR 1087656. This work [De viris illustribus], as he reveals at its start and finish, was completed in the fourteenth year of Theodosius, that is, between 19 January 392 and 18 January 393.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The Calendar". The Church of England (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)