Ang mga Sinapsido (Griyego, 'pinagsamang arko') na isang pangkat ng mga hayop sa kladong Synapsida na kasingkahulugan ng mga teropsido (Griyego, 'halimaw na mukha') ay isang pangkat ng mga hayop na kinabibilangan ng mga mamalya at bawat hayop na mas malapit na nauugnay sa mga mamalya kaysa sa mga amniyota.[1] Ang mga ito ay madaling maihihiwalay mula sa ibang mga amniyota sa pagkakaron ng mga ito ng isang pilipisang bintana na isang bukasan na mababa sa bubong ng bungo sa likod ng bawat mata na nag-iiwan ng isang sigomatikong arko sa ilalim ng bawat isa.[2] Ang mga primitibong sinapsido ay karaniwang tinatawag na mga pelikosauriyo. Ang mga mas maunlad na tulad ng mamalya ang mga terapsido. Ang mga hindi mamalyang mga kasapi nito ay inilalarawan bilang mga tulad ng mamalyang reptilya sa klasikong sistematika[3][4] ngunit tinutukoy bilang mga tangkay na mamalya sa ilalim ng terminolohiyang kladistiko.[5] Ang mga sinapsido ay nag-ebolb mula sa mga saligang amniyota at isa sa dalawang mga pangunahing pangkat ng kalaunang mga amniyota. Ang isa ang mga sauropsida na isang pangkat na kinabibilangan ng mga modernong reptilya at ibon. Ang natatanging pilipisang bintana o temporal fenestra ng mga sinapsido ay nag-ebolb sa ninunong sinapsido mga 324 milyong taon ang nakalilipas sa panahong Pensilbaniyano sa Huling Carboniferous. Ang mga sinapsido ang mga pinakamalaking pang-lupaing bertebrado sa panahong Permian 299 hanggang 251 milyong taon ang nakalilipas. Gaya ng halos lahat ng mga pangkat na nabubuhay sa panahong ito, ang mga bilang at pagkakaiba nito ay malalang nabawasan sa Pangyayaring pagkalipol na Permian-Triyasiko. Bagaman ang ilang espesye o uri ay nagpatuloy sa panahong Triyasiko, ang mga arkosauro na mga hindi-mamalyang sinapsido ay tumagal ng mas mahaba sa Triyasiko bagaman ang mga nakapagpatuloy na mga sinapsido ay nagpatuloy hanggang sa panahong Kretaseyoso. Gayunpaman, bilang isang yunit na pilohenetiko, ang mga ito ay kinabibilangan ng mga mamalya bilang mga inapo nito at sa kahulugang ito, ang mga sinapsido ay labis pa ring isang nabubuhay na pangkat ng mga bertebrado. Pagkatapos ng pangyayaring pagkalipol ng Kretaseyoso-Paleyoheno, ang mga sinapsido sa anyo ng mga mamalya ay muling naging pinakamalaking mga hayop na pang-lupain.

Mga Sinapsido
Temporal na saklaw: Misisipiyano-Kasalukuyan, 320–0 Ma
Kalansay ng Dimetrodon grandis, National Museum of Natural History o Pambansang Museleyo ng Likas na Kasaysayan
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klado: Eugnathostomata
Klado: Teleostomi
Superklase: Tetrapoda
Klado: Reptiliomorpha
Klado: Amniota
Klado: Synapsida
Osborn, 1903
Orden (tradisyunal)
Mga Klado (pilohenetiko)
Ang mga sinapsido ay maitatangi ng isang pilipisang bintana o temporal fenstra na butas sa likod ng bawat mata(kanang ibaba).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Laurin and Reisz 2007.
  2. Romer, A.S. & Parsons, T.S. (1985): The Vertebrate Body. (6th ed.) Saunders, Philadelphia.
  3. Carroll 1988: 397.
  4. Benton 2005: 122.
  5. Donoghue, Philip (2005), "Matters of the Record: Saving the stem group---a contradiction in terms? Naka-arkibo 2011-06-05 sa Wayback Machine.". Page 555 (pdf document page 3 of 6)