Sinaunang Panitikan sa Pilipinas

Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong unang mga kapanahunan. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman. May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito. Abakada ay isa sa mga panulat o alpabetong ginagamit ng ating mga ninuno na walang katinig na (i,e,o,u) at idinagdag na lamang ng mga kastila sa ating alpabeto nang ang bansa ay kanilang masakop taong 1521, kung babalik po tayo sa nakaraan ang ating orihinal na panitikan ay naglalaman lamang ng 16 na patinig na naka-default sa A, (a,ba,ka,da,ga,ha,la,ma,na,nga,pa,ra,sa,ta,wa,ya) ang i,e,o,u naman po ay idinagdag na lamang ng mga dayuhang Kastila dito, halimbawa po ng pagsusulat gamit ang ating orihinal na panitikan ang salitang (bahay, tahanan, papag, lapag, ayan, bayan, malawak, etc.) nawawala po ang mga katinig na A sa huling patinig kayat kung ang mga ninunu natin ay magsusulat sa mga balat ng punong kahoy kahit walang katinig na A ang kanilang isusulat ay mababasa parin nila, kagaya po ng nabanggit na (BHY, THNN, PPG, LPG, AYN, BYN, MLWK) At muli itong dinagdagan sa pangalawang pagkakataon ng mga letrang ( c,ñ,f,j,v,x,z&q ) ng mga Amerekano taong 1899. Maihahalintulad natin ito sa ating henerasyon sa tawag na "gegemon" na pagtitxt. Sa baybayin naman ang ginamit ng mga mananakop upang lagyan din ito ng katinig na i,e,o,u ay sa pamamagitan ng kudlit sa itaas at ibaba ng baybayin pictogram. kagaya po nito ang orihinal na "Ba" ᜊ ay naging "Bi/Be" ᜊᜒ at "Bu/Bo" ᜊᜓ katulad ng sa hebrew na kung tawagin ay niqqud ng mga Masoretes.

see:https://theficklefeet.com/how-to-write-baybayin/

Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan , talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat. Pagkat sa kapanahunang ito ay hindi pa lubusang laganap ang pag-gamit ng papel sa 7,108 na kapuluan ng Pilipinas.

Ang mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa Pilipinas noong sinaunang panahon ay ang alamat, kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang bayan, sawikain, at bugtong.

  • Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay; halimbawa na ang Ang Alamat ng Pinya
  • Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito
  • Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.

Ang mga halimbawa ng mga ito:

a. Bidasari - Moro
b. Biag ni Lam- ang Iloko
c. Maragtas - Bisaya
d. Haraya - Bisaya
e. Lagda - Bisaya
f. Kumintang - Tagalog
g. Hari sa Bukid - Bisaya
  • Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.

hal. Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid.

  • Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno. Halimbawa: Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.
  • Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan. Halimbawa: Nasa Ama (Ahba) ang awa, nasa tao ang gawa.
  • Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan. Halimbawa: Isang tabo, laman ay pako. Ang sagot ay "langka".