Para sa may kaugnayan sa anatomiya ng tao, tulad ng pagsiko (paggamit ng siko), pumunta sa Siko.

Ang siniko ay isang taong naniniwala na gumagalaw ang lahat ng sangkatauhan para sa pansariling kapakanan lamang.[2] Walang tiwala o paniniwala at pananalig ang ganitong tao sa kabutihan at katapatan o kawagasan ng ibang tao.[3]

Rebulto ng isang hindi nakikilalang pilosopong Siniko, mula sa Museong Kapitolino sa Roma. Isang kopyang Romano ang estatuwang ito ng isang mas maagang estatuwang Griyegong nagmula sa ika-3 daang taon BK.[1] Isang restorasyon mula sa ika-18 daang taon ang balumbong nasa kanyang kanang kamay.

Sinaunang Gresya

baguhin

Sa sinaunang Gresya, tumutukoy ang Siniko sa isang sektang naniniwala sa Sinismo (nangangahulugang "pagdududa" o "pangungutya sa motibo ng ibang tao"), ang doktrina o paniniwalang[2] ang kabutihang-loob, katumpakan ng moralidad, at kalinisan ng budhi ang tanging kabutihan, na mararating lamang sa pamamagitan ng pagkontrol o pagtaban sa sarili.[2] Itinatag ng Griyegong pilosopong si Antisthenes ang paaralang pilosopiko ng mga Siniko, na naniniwala ang mga kasapi sa "likas na buhay", na malaya mula sa kapalaluan o kahambugan at hipokrisiya (pagpapabalatbunga o pagbabait-baitan). Pinakakilala sa mga Griyegong Siniko si Diogenes ng Sinope (o Diogenes ang Siniko), na namuhay sa isang paliguang banyera at nagdadala ng lampara upang makapaghanap siya ng isang taong hindi marunong magsinungaling. Nagmula ang katawagang "Siniko" para sa pangkat na ito mula sa Griyegong kynikós, na may kahulugang "parang aso", at dahil sa pag-alimura ng mga Sinikong ito sa mga makakabihasnang mga tao at sa mga kaugalian ng mga sibilisadong taong ito.[3]

Makabagong pananaw

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Christopher H. Hallett, (2005), The Roman Nude: Heroic Portrait Statuary 200 BC-AD 300, pahina 294. Imprenta ng Pamantasan ng Oxford.
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L. Cynic - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. 3.0 3.1 "Cynics, cynic; Cynicism". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik na C, pahina 626.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.