Sining pangkomersyo

Ang sining pangkomersyo ay kinabibilangan ng maraming uri ng sining na ginagamit para lamang sa layunin ng pagnenegosyo. Ito ay madalas na ring tawagin na sining ng pag-aanunsiyo dahil madalas itong madalas gamitin sa pagbebenta mga produkto at iba't ibang mga serbisyo. Iba ito sa Pinong Sining (Fine Arts) tulad ng mga kanbas at iskultura, dahil ito ay kinakailangang paramihin sa pamamagitan ng pag-iimprenta o iba pang mga kaparaanan.

Isang poster noong 1898 ni Jan Van Beers, isang alagad ng sining na gumagawa ng mga obrang komersyal.

Ang mga gumagawa ng mga orbrang komersyal ay nagtatrabaho sa mga ahensyang komersyal, tindahan o pamilihan, sa mga pabrikante at sa mga tagapaglathala. Sila ay gumagawa ng mga malikhaing obra para sa pag-aanunsiyo, aklat, magasin, lalagyan ng mga pagkain at iba pa. Ang isang istudyo ng sining pangkomersyo ay nagbibigay ng maraming iba't ibang uri ng serbisyong komersyal na nasasakalaw sa sukat na may maliit na bilang hangga't sa 100 empleyado. Ang mga ibang gumagawa ng obrang komersyal ay nagtatrabaho ng sarili at binabayaran ayon sa proyektong itinakda. Sila ay tinatawag na freelance artists o malayang gumagawa ng obra.

Ang mga unang gumagawa ng obrang komersyal ay natuto lamang ayon sa sariling sikap o ang iba naman ay nagkaroon ng karanasan o pagsasanay sa isang paaralan ng Pinong Sining. Ang mga ginagawa ng mga artistang ito ay ang pagguhit, pagdidisenyo, at paggawa ng mga disenyo ng mga letra at iba pang paraan sa paggawa ng isang obra para sa pagpaparami nito.

Ang sining pangkomersyo ay isang bagong propesyon. Kakaunti lamang ang nagtatrabaho ng ganito bago ang 1900, at ang pormal na pagtuturo at ang propesyunal na katungkulan sa sining pangkomersyo ay hindi pa nabubuo hangga't sa taong 1930. Sa kasalukuyang panahon marami na ring mga kolehiyo at unibersidad na nagbibigay ng kursong tungkol sa sining pangkomersyo.