Sinkretismong panrelihiyon
Ang sinkretismong panrelihiyon (Ingles: Religious syncretism) ay ang paghahalo ng mga sistema ng paniniwala sa relihiyon sa isang bagong sistema, o ang pagsasama ng iba pang mga paniniwala sa isang umiiral na tradisyon ng relihiyon.
Ito ay maaaring mangyari sa maraming dahilan, kung saan ang mga panrelihiyong tradisyon ay umiiral nang malapit sa isa't isa, o kapag ang isang kultura ay nasakop at ang mga mananakop ay nagdala ng kanilang mga panrelihiyong paniniwala, ngunit hindi nagtagumpay sa pagtanggal ng mga mas lumang paniniwala at kinagawian.
Maraming relihiyon ang may sinkretikong elemento, ngunit madalas di-sinasang-ayunan ng mga tagasunod ang paggamit nito, lalo na ang mga kabilang sa "hinayag" na mga relihiyon, gaya ng Abrahamikong relihiyon, o anumang sistema na may eksklusibong pamamaraan, na nakikita ang sinkretismo bilang nakakasira sa orihinal na relihiyon.[1] Ang mga di-eksklusibong sistema ng paniniwala sa kabilang banda ay mas malaya na isama ang ibang mga tradisyon sa kanilang sarili.
Sinaunang kasaysayan
baguhinEksklusibo ang Klasikong Atenas sa mga bagay panrelihiyon. Sinasabi sa ilang mga sanggunian na ang Utos ni Diopetes ay ginawa ang pagpapakilala ng banyagang mga diyos na isang pagkakasala sa batas,[2] at pinapahintulot lamang ang mga Griyego na sumamba lamang sa mga templo at pista ni Atenas yayamang tinuturing ang mga banyaga na hindi malinis. May mga sanggunian naman ang tumututol sa pagkakaroon ng ganoong utos.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ferdinando, Keith (1995). "SIckness and Syncretism in the African Context". Sa Billington, Antony (pat.). Mission and Meaning (PDF). Paternoster Press. p. 265. ISBN 0-85364-676-7. Nakuha noong 31 Oktubre 2016.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bullivant, Stephen; Ruse, Michael (2013). The Oxford Handbook of Atheism (sa wikang Ingles). OUP Oxford. p. 140. ISBN 978-0-19-964465-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stone, Isidor Feinstein (1989). The Trial of Socrates (sa wikang Ingles). Anchor Books. p. 232. ISBN 978-0-385-26032-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)