Sinturong pangpuson

Ang sinturong pangpuson o pahang pangtiyan (Ingles: abdominal belt) ay isang uri ng malapad na paha o sinturon na pangmedisinang ginagamit na pangsuporta sa dingding ng puson sa pamamagitan ng presyon.[1]

Layunin

baguhin

Ginagamit ang ganitong paha sa panahon ng pagdadalang-tao at pagkatapos manganak ng isang babae, maging para sa panahon pagkaraan ng mga operasyon o siruhiya sa puson, kapag may herniya ng puson, at kung may biseroptosis o paglawlaw ng mga laman ng puson. Upang maging epektibo at maginhawa, kinakailangang tama ang pagkakasuot ng sinturong ito.[1]

Mekanismo ng presyon

baguhin

Nakakamit ng sinturong pangpuson ang matatag na presyon sa apektadong laman ng puson sa pamamagitan ng paglalangkap sa loob ng pahang ito ng hinabing elastiko o nababanat na tela, pagdaragdag ng mga pantali at sintas, at paglalagay sa loob ng sinturon ng isang pad o sapin  – solido o supot na may lamang hangin  – na may naangkop na sukat at hugis. Kaugnay ng saping ito, nadaragdag ang presyon kapag nagsasama ng isang uri ng kaayusan ng mga ispring o rekolyo.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Abdominal belt". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 4.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.