Sinupan ng Unibersidad ng Santo Tomas
Ang Sinupan ng Unibersidad ng Santo Tomas (Ingles: Archives of the University of Santo Tomas o AUST), kilala dati sa Kastila bilang Archivo de la Universidad de Santo Tomas, ay matatagpuan sa Aklatang Miguel de Benavides sa Maynila. Ang AUST ay pangunahing imbakan ng mga makasaysayan at pambihirang dokumento na nauukol sa, ngunit hindi lamang sa, kasaysayan ng Unibersidad ng Santo Tomas, isa sa mga pinakamatandang umiiral na unibersidad sa Asya, at ang pinakamatandang institusyon ng mataas na edukasyon sa Pilipinas. Binubuo ang mga koleksyon ng mga makasaysayang dokumento tulad ng mga batas ng papa, maharlikang dekreto, bihirang limbag ng Filipiniana, makasaysayang tratado, talumpati, sermon, pagsisiyam, katekismo sa mga iba't ibang wika ng Pilipinas, pambansang peryodiko, at talaang akademiko ng lahat ng mga institusyong pang-edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga Kastila. Ang sinupan ang siyang tahanin din ng natatanging incunabula, o mga aklat na inilimbag bago mag-1500, sa bansa.[1]
Bukod sa pagkaroroon ng isa sa mga pinakamalaking koleksyon ng mga manuskritong Europeo ng ika-15, ika-16, ika-17, at ika-18 siglo sa Asya, ipinangangalandakan din ng sinupan ang pagmamay-ari ng pinakamalaking koleksyon ng mga umiiral na sinaunang sulat ng Baybayin sa sanlibutan.[1][2]
Galerya
baguhinIpinakikita rito ang ilan sa daan-daang pambihirang aklat sa sinupan
-
Seminarium Totius Philosophiae, 1582
-
Opera, 1580
-
17th Century Libro de Piques
-
Instructorium Conscientiae 1592
-
De Iustitia et Iure 1589
-
In Supereminenti, 1645
-
In Quatuor Evangelistas Enarrationes, 1532
-
Expositio in Primam Seccundae Angelici 1580
-
Consiliorum et Responsorum Libri Quinque, 1591
-
Cedula Real de Santo Tomas, 1624
-
Acta Fundacion de Santo Tomas, 1611
-
Consiliorum et Responsorum, 1591
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 University of Santo Tomas Archives Naka-arkibo 2013-05-24 sa Wayback Machine. University of Santo Tomas Website nakuha noong Hunyo 17, 2012
- ↑ Lao, Levine (Enero 16, 2012). "UST collection of ancient scripts in 'baybayin' syllabary shown to public". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Hunyo 17, 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)