Si Sobekhotep III (pangalan sa trono: Sekhemresewdjtawy) ang paraon ng Ikalabingtatlong Dinastiya ng Ehipto. Ang pamilya ni Sobekhotep III ay alam mula sa ilang mga sanggunian. Ang isang monumento mula sa Islang Sehel ay nagpapakitang si Sobekhotep kasama ng kanyang amang si Mentuhotep, inang si (Yauheyebu), mga kapatid ng lalakeng sina Seneb at Khakau, at isang kalahating kapatid na babaeng si Reniseneb.[1]

the name of the king found on a block from Madamud

Si Sobekhotep II ay may dalawang mga asawa na sina Senebhenas at Neni. Ang isang stela mula sa Koptos (Qift),[2] na ngayon ay nasa Louvre (C 8) ay nagbabanggit ng mga anak na babae ni Neni: Iuhetibu (Fendy) and Dedetanuq. Isinulat ni Iuhetibu Fendy ang kanyang pangalan sa isang cartouche.[1] Ito ang ikalawang pagkakataon na sa kasaysayan ng Sinaunang Ehipto na ang anak na babae ng hari ay tumanggap ng karangalang ito. Si Senebhenas ay ipinapakita kasama ni Sobekhotep sa isang altar sa Sehel Island at isang stela sa Wadi el-Hol.[2] Ipinapakita ng stela si Sobekhotep III sa harap ng diyos na si Monthu. Siya ay tumatanggap ng isang ankh at isang setrong was mula sa diyos. Siya ay sinusundan ng kanyang ama, ina at asawa.[1]

Si Sobekhotep III ay alam mula sa mataas na bilang ng mga bagay sa kabila ng pagsasaad sa talaan ng hari na turin na ang kanyang paghhari ay tumagal lamang ng apat na taon at dalawa hanggang apat na buwan.[3] Siya ay nagdagdag ng mga inkripsiyon sa templo ni Menthu sa Madamud[4] at nagtatag ng isang kapilya sa El Kab.[5] Sa Sehel[6] ay natagpuan ang isang dambana na may kanyang pangalan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 M. F. Laming Macadam, A Royal Family of the Thirteenth Dynasty, The Journal of Egyptian Archaeology, Vol. 37 (Dec., 1951), pp. 20-28
  2. 2.0 2.1 Dodson, Aidan and Hilton, Dyan. The Complete Royal Families of Ancient Egypt. Thames & Hudson. 2004. ISBN 0-500-05128-3
  3. Following Ryholt: ''The Political Situation, p. 71. However, the four is partly destroyed; year 3 is also possible
  4. F. Bisson de la Roque, J. J. Clère, Fouilles de Médamoud (1927), Cairo 1928, p. 44; Porter & Moss V (1937), p. 146-49
  5. Ryholt, The Political Situation, p. 344
  6. M.F.L. Macadams: Gleanings from the Bankes MSSIn: Journal of Egyptian Archaeology 32 (1946), 60, pl. VIII; H.A. Wild: A Bas-Relief of SekhemRe-Sewadjtowe Sebkhotpe In: Journal of Egyptian Archaeology 37 (1951), p. 12-16