Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Letonya
Ang Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Letonya, dinadaglat na SSR ng Letonya (Leton: Latvijas PSR; Ruso: Латвийской ССР, tr. Latviyskoy SSR), at payak na kinikilala bilang Sobyetikong Letonya (Leton: Padomju Latvija; Ruso: Советская Латвия, tr. Sovetskaya Latviya) ay estadong komunista at republikang kasapi ng Unyong Sobyetiko na umiral sa Hilagang Europa mula 1940 hanggang 1990. Pinaligiran ito ng Estonya sa hilaga, Dagat Baltiko sa kanluran, Golpo ng Riga sa hilagang-kanluran, Litwanya sa timog, Rusya sa silangan, at Biyelorusya sa timog-silangan. Sumaklaw ito ng lawak na 64,589 km2 at tinahanan nang mahigit 2.6 milyong tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Riga.
Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Letonya | |
---|---|
1940–1990 | |
Salawikain: Visu zemju proletārieši, savienojieties! "Mga proletaryo ng lahat ng bayan, magkaisa!" | |
Katayuan | Republikang kasapi ng Unyong Sobyetiko |
Kabisera | Riga |
Wikang opisyal | Leton • Ruso |
Katawagan | Leton • Sobyetiko |
Pamahalaan | Unitaryong Marxista-Leninistang unipartidistang sobyetikong sosyalistang republika (1940–1989) Unitary parliamentary republic (1989–1991) |
Leader | |
• 1940–1959 | Jānis Kalnbērziņš (first) |
• 1990 | Alfrēds Rubiks (last) |
Lehislatura | Kataas-taasang Sobyetiko |
Panahon | World War II · Cold War |
17 June 1940 | |
• SSR established | 21 July 1940 |
5 August 1940 | |
1941–1945 | |
• Soviet re-occupation SSR re-established | 1944/1945 |
4 May 1990 | |
• Independence recognized by the State Council of the Soviet Union | 6 September 1991 |
Salapi | Rublo (руб) (SUR) |
Kodigong pantelepono | 7 013 |
Bahagi ngayon ng | Letonya |