Society for Human Rights
Ang Society for Human Rights (tuwirang salin: Lipunan para sa mga Karapatang Pantao) ay ang kinikilalang pinakaunang samahan o organisasyon para sa karapatan ng mga homoseksuwal sa Estados Unidos, na itinatag sa Chicago noong 1924. Itinatag ito ni Henry Gerber. Sila ang pinakaunang naglimbag ng unang publikasyon sa Amerika para sa mga homoseksuwal, ang Friendship and Freedom. Ilang buwan pagkatapos maitalang isang samahan, ang pangkat ay itinigil simula ng arestuhin ang ilang mga kasapi nito. Kahit na maikli lang ang panahon na itinagal nito, kinikilala ang samahan bilang tagapagsimula ng modernong pagkilos ng mga homoseksuwal at ang pagbuo ng mga samahan para sa karapatan ng mga homoseksuwal sa hinaharap.