Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunication
Ang Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunication (SWIFT) ay isang organisasyon na naglalatag ng network na nagbibigay-daan upang ang mga institusyong pampananalapi sa buong daigdig na makapagpadala at makatanggap ng impormasyon hinggil sa transaksiyong pampananalapi sa isang ligtas, nakapamantayan, at maaasahang environment. Nagbebenta rin ang SWIFT ng software at mga serbisyo sa mga institusyong pampananalapi, na karamihan dito ay ginagamit sa SWIFTNet Network, at ISO 9362. Ang mga Business Identifier Code (BIC, dating Bank Identifier Code) ay higit na kilala bilang "SWIFT code".
Uri | Kooperatiba |
---|---|
Industriya | Telekomunikasyon |
Itinatag | 1973 |
Punong-tanggapan | La Hulpe, Belgium |
Produkto | Telekomunikasyong pampananalapi |
Kita | 1,024,000,000 Euro (2023) |
Dami ng empleyado | >2000 |
Website | swift.com |