Si Sojourner Truth (1797–26 Nobyembre 1883) ay isang pangalang ibinigay sa sarili ni Isabella Baumfree, isang Amerikanong alipin. Ginamit niya ang pangalang ito mula 1843. Isa siyang abolisyonista at aktibista para sa mga karapatan ng mga kababaihan. Ipinanganak siya sa pagkaalipin sa Swartekill, Bagong York. Ipinahayag niya ang kanyang pinakakilalang talumpating Ain't I a Woman? ("Hindi Ba't Ako Isang Babae?") noong 1851 para sa Kumbensiyon (o Pagpupulong) para sa mga Karapatan ng mga Kababaihan ng Ohio sa Akron, Ohio.

Si Sojourner Truth.


TaoKasaysayanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.