Si Sol Invictus (hindi natalong araw) ang opisyal na Diyos na Araw ng kalaunang Imperyo Romano at patron ng mga sundalo. Noong 274, ito ay ginawang opisyal na kulto ni Emperador Aurelian ng Imperyo Romano kasama ng mga tradisyonal na kultong Romano. Hindi magkaayon ang mga skolar kung ang bagong Diyos ay isang muling pagtatatag ng sinaunang kultong Latin ni Sol, isang muling pagbuhay ng kulto ni Elagabalus o isang bagong bagong kulto. Ang Diyos na si Sol Invictus ay pinaboran ng mga emperador pagkatapos ni Aurelian at lumitaw sa mga baryang Romano hanggang kay Dakilang Constantino. Ang huling inskripsyong tumutukoy kay Sol Invictus ay may petsang 387 CE at may sapat pang mga deboto ng kulto ni Sol Invictus noong ika-5 siglo CE na kinailangan pang mangaral ni Agustin ng Hipona laban dito.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.