Sonang nakaaantig

(Idinirekta mula sa Sonang erohenosa)

Ang sonang nakaaantig, sonang nakakaantig, sonang nakapagpapaantig, sonang nakapupukaw, sonang nakabubuyo, sonang nakapag-uudyok, sonang nakauudyok, sonang nakadadarang, sonang nakahihikayat, sonang nakapagpapalibog, sonang nakapagpapahalay o sonang seksuwal (Ingles: erogenous zone) ay anumang mga bahagi sa katawan na kung hihipuin ay nakapagdudulot ng pagkadama ng pagkalibog. Laging tahasang kabilang sa mga pook na ito sa katawan ang mga kasangkapang pangkasarian o henitalya. Kilala rin bilang sonang erohenosa (Ingles: erogenous zone, mula sa Griyegong ἔρως eros o "pag-ibig" at Ingles na -genous o "nakagagawa" mula sa Griyegong -γενής -genes o "ipinanganak") ay isang lugar o pook sa katawan ng tao na may matindi, maigting, o masidhing sensitibidad o kaselanan, na ang istimulasyon o pag-udyok (paggising ng pakiramdam) nito ay maaaring magresulta sa produksiyon ng sensasyong erotiko (pantasyang seksuwal) o kasiglahang seksuwal.

Ang mga tao ay mayroong mga sonang nakadadarang sa kabuuan ng kanilang mga katawan, subalit paiba-iba kung anong mga pook ang higit na mas nakapagbubuyo kaysa sa iba. May ilang hindi tumutugon sa istimulasyon na nakapagpapasigla naman sa iba. Ang paggising sa mga pook na ito ay maaaring makapaggawa ng banayad, katamtaman o masidhing pagkapukaw.

Ang mga sonang erohenoso ay maaaring iklasipika ayon sa tipo ng pagkaantig na kanilang inuudyok. Marami ang banayad na naaantig kapag ang kanilang mga talukap, mga kilay, mga sentido, mga kamay, mga bisig, at buhok ay bahagyang hinawakan. Ang banayad na paghipo o paghagod ng mga sonang ito ay nakaaantig sa isang kapareha sa oras ng pagroromansa bago isagawa ang aktuwal na pagtatalik (foreplay sa Ingles) at napagpapataas ng antas ng kaantigan. Gayundin, ang banayad na paghilog o pagmasahe o paghimas ng pook na pangtiyan kasama ang paghahalikan o payak na paghipo sa pusod ay maaaring maging isang uri ng istimulasyon.

Mga sanggunian

baguhin