Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Song.

Si Song Joong-ki (Koreano송중기; ipinanganak Setyembre 19, 1985) ay isang artista mula sa Timog Korea. Naging tanyag siya nang lumabas siya sa makasaysayang drama na Sungkyunkwan Scandal (2010) at sa variety show na Running Man bilang isa sa mga orihinal na kasapi noong umere ito noong 2010. Bumida din siya sa mga pelikula kabilang ang A Werewolf Boy (2012).

Song Joong-ki
Kapanganakan (1985-09-19) 19 Setyembre 1985 (edad 39)
EdukasyonPamantasan ng Sungkyunkwan – Pamamahala ng negosyo
TrabahoAktor
Aktibong taon2008–kasalukuyan
AhenteBlossom Entertainment
AsawaSong Hye-kyo (k. 2017–19)
Katy Louise Saunders (k. 2023)
Anak1
Pangalang Koreano
Hangul송중기
Hanja宋仲基
Binagong RomanisasyonSong Jung-gi
McCune–ReischauerSong Chung-gi
Pirma

Pagkatapos makumpleto ang kanyang mandatoryong serbisyo sa militar, bumida si Song sa Koreanovelang Descendants of the Sun (2016) na naging tanyag sa Asya at nagdulot sa kanya na maging isang bituing hallyu. Napunta siya sa ikapitong puwesto sa tala ng Forbes na Korea Power Celebrity noong 2013,[1] at umangat sa ikalawa noong 2017.[2]

Talambuhay

baguhin

Si Song Joong-ki ay ipinanganak noong Setyembre 19, 1985 at lumaki siya sa panlabas na kanayunan ng Daejeon, Timog Korea.[3]

Karera

baguhin

Unang lumabas si Song sa kanyang pag-arte sa makasaysayang pelikula na A Frozen Flower.[4] Nagkaroon si Song ng isang pambihirang tagumpay sa pagganap niya sa makasaysayang drama na Sungkyunkwan Scandal kung saan ginampanan niya ang isang babaerong mayaman noong ika-18 siglo na panahon ng Joseon.[5][6]

Pansariling buhay

baguhin
 
Song Joong-ki at Song Hye-kyo 2016

Noong Hulyo 5, 2017, pinabatid ni Song at kanyang kasama sa Descendants of the Sun na si Song Hye-kyo sa pamamagitan ng kani-kaniyang ahensiya na sila ay nagkasundo magpakasal.[7][8][9] Nakasal sila sa isang pribadong seremonya noong Oktubre 31, 2017 sa Youngbingwan, Hotel Shilla [ko] sa Seoul, sa kabila ng interes ng midya sa ibayo ng Asya.[10] Ang seremonya ay dinaluhan ng malalapit sa puso nilang pamilya at kaibigan ng mag-asawa[11], kabilang ang mga aktor na sina Lee Kwang-soo, Yoo Ah-in, at Park Bo-gum na tumugtog din ng piano sa reception.[12][13]

Noong Hunyo 27, 2019, inihayag ni Song Joong-ki na siya ay naghaing ng diborsiyo kay Song Hye-kyo noong nakaraang araw.[14][15] Ang diborsyo ay natapos noong Hulyo 2019.[16]

Noong Disyembre 26, 2022, nakumpirma na si Song ay may nobya na isang Briton.[17][18] Enero 30, 2023, inihayag ni Song na nagpakasal na siya sa kanyang nobya na nagngangalang Katy Louise Saunders, isang dating hamak na aktres,[19] kasabay nito, inihayag din niya ang pagbubuntis sa kanyang unang anak.[20][21] Noong Hunyo 14, 2023, ipinanganak ni Katy ang kanilang anak na lalaki sa isang ospital sa Roma.[22]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Ed Slott. "Forbes Korea Power Celebrity 2013". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-02-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "엑소 위에 박보검·송중기, 아이돌 천하 깬 드라마 스타 [출처: 중앙일보] 엑소 위에 박보검·송중기, 아이돌 천하 깬 드라마 스타". JoongAng Ilbo (sa wikang Koreano). 27 Pebrero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "'대전의 아들' 송중기 때문에 속 태우는 대전시 왜?". 대전일보 (sa wikang Koreano). 2016-04-11. Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "송중기 8년 변천사, 쌍화점에서 늑대소년-태후까지". Newsen (sa wikang Koreano). 25 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Talented Young Hunks Draw Young Female Fans to TV Dramas". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 1 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Song Joong Ki: 'I Want Become Actor Like Leonardo DiCaprio'". KBS Global. 4 Nobyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2015-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Song Joong-ki, Song Hye-kyo to Wed in October". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). Hulyo 5, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Descendants of the Sun stars Song Joong-ki, Song Hye-kyo to wed". Channel NewsAsia (sa wikang Ingles). Hulyo 5, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 25, 2018. Nakuha noong Disyembre 27, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "'Descendants of the Sun' stars to wed at The Shilla". The Korea Herald (sa wikang Ingles). Agosto 8, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Marriage of Song Joong-ki, Song Hye-kyo shrouded in complete secrecy". Yonhap News Agency (sa wikang Ingles). Oktubre 30, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Yonhap News Agency". Yonhap News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Doo, Rumy (2017-10-31). "[Video] Big day: Song Joong-ki, Song Hye-kyo wed in private ceremony". The Korea Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Song Joong-ki, Song Hye-kyo Marry in Private Wedding". english.chosun.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Yonhap (2019-06-27). "Song Hye-kyo, Song Joong-ki taking legal steps for divorce". The Korea Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Song Joong-ki files for divorce from Song Hye-kyo: Twenty months after their wedding, the 'Descendents of the Sun' stars call it quits". koreajoongangdaily.joins.com (sa wikang Ingles). 2019-06-27. Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Song Hye-kyo and Song Joong-ki finalise divorce in Seoul". South China Morning Post (sa wikang Ingles). 2019-07-22. Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Korean actor Song Joong-ki confirmed to be dating a British woman". South China Morning Post (sa wikang Ingles). 2022-12-26. Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "송중기 측 "좋은 감정으로 만남 이어가" 쿨한 열애 인정[공식]". n.news.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Katy Louise Saunders". IMDb (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Korean star Song Joong-ki announces marriage to British actress, says they are expecting a baby". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Song Joong-ki announces he's tied the knot, new wife is pregnant". koreajoongangdaily.joins.com (sa wikang Ingles). 2023-01-30. Nakuha noong 2023-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 기자, 김미화. ""건강한 아들"..송중기, '♥케이티'와 결혼발표 5개월만 로마서 득남 [종합]". n.news.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-06-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin