Sophie Sager
Si Sophie (o Sofie ) Sager, ( Växjö, Sweden, 1825 - New York City, Estados Unidos, 1902), ay isang manunulat at peminista sa Sweden. Isa siya sa mga unang aktibista at tagapagsalita para sa makabagong kilos ng kababaihan sa Sweden. Kilala rin siya sa kanyang pagiging bahagi sa sikat na Sager Case (1848), kung saan inakusahan niya ang isang lalaki dahil sa tangkang panggagahasa at nagwagi sa kaso, na isa sa pinakatanyag na mga kasong kriminal sa Sweden noong kanyang panahon.
Buhay
baguhinIpinanganak siya sa isang mayamang pamilya at pinag-aral sa paaralang pambabae. Bilang isang may sapat na gulang, siya ay naging mahirap at sinuportahan ang sarili bilang governess . Ninais niyang magsimula ng isang dress-shop, at tinuruan ang kanyang sarili sa Stockholm noong 1848. Sa Stockholm, inalok siya ng silid ng isang matandang lalaki na nagngangalang Möller. Tinanggap niya, ngunit
hinalay siya nito habang siya ay nasa kama sa kanyang bahay. Nakipaglaban si Sager, at nabigo sa kanyang paglaban. Sinaktan siya ni Möller, bagaman nagawa niyang labanan ito at nakaiwas sa aktwal na panggagahasa. Nagawa niyang makatakas sa kanyang bahay at tinulungan siya ng isang doktor, na nagdokumento ng kanyang mga pinsala at hinimok siyang iulat sa pulisya si Möller.
Noong 1852, nailathala niya ang kanyang autobiography: Bilder ur livet. Ett fosterbarns avslöjande genealogi (Mga imahen ng buhay. Angmga kwento ng isang foster child) ng kanyang mga karanasan.
Si Sager ay lumipat sa US noong 1854, kung saan siya ay naging aktibo sa loob ng kilusang pambabae ng Amerika. Ikinasal siya sa guro ng musika na si EA Wiener.
Mga sinambit na salita
baguhin"I am the one who defies the false ideals of opinion, to enable myself to show my emancipation in my way of life.”
”I am the first woman in Sweden, to stand for the emancipation-theory in public, and therefore, it can not yet be so common, as it will be some day.”
Mga Sanggunian
baguhin- Isa Edholm: Kvinnohistoria (Women history)(2001) Falun, Alfabeta Bokförlag AB, Stockholm (sa Suweko)
- Gunhild Kyle and Eva von Krusenstjerna: Kvinnoprofiler (Female profiles) (1993) Norstedts Tryckeri AB Stockholm (sa Suweko)
Karagdagang pagbabasa
baguhin- Sophie Lisette Sager at Svenskt kvinnobiografiskt lexikon