Special Purpose Dexterous Manipulator
Ang Special Purpose Dexterous Manipulator (SPDM) ay isang robot na may dalawang bisig, o telemanipulator, na bahagi ng sistemang Mobile Servicing System. Isa sa mga layunin ng pagkakalikha ng telemanipulador na ito ang maging kapalit ng mga gawain ng mga astronaut na nangangailangan ng "paglakad sa kalawakan" (spacewalk). Sumahimpapawid ito noong Marso 11, 2008 patungo sa himpilang pangkalawakang pandaigdig, ang International Space Station (ISS) para sa misyong STS-123.
Bahagi ang SPDM ng ambag ng Canada sa ISS. Tinawag itong Dextre, upang kumatawan sa katangian at kakayahan nitong gumalaw katulad ng mga kamay. Binansagan din itong Canada hand (literal na salin: "kamay-Canada"), na nahahawig sa Canadarm at Canadarm2.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.