St Peter's College, Auckland

Ang St. Peter’s College (Salin: Kolehiyo ni San Pedro sa Auckland) ay isang Katolikong sekundaryong paaralan para sa mga batang lalaki sa gitnang Auckland, Bagong Selanda at isa sa pinakamalaking Katolikong sekundaryong paaralan sa New Zealand. Ito ay itinaguyod noong 1939 ng mga Christian Brothers (Kapatirang Kristiyano), ngunit mula 2008 lahat ng mga kawani nito ay karaniwang tao. Ang paaralan ay may pinakamalaking magkakaibang-etniko na tala na 1200 na mga estudyante. Sa akademiko, ang paaralan ay naghahandog para sa mga senior na taon ng National Certificate of Educational Achievement (Pambansang Katibayan ng Tagumpay sa Edukasyon) na sistemang pangtasa (NCEA) at ang Cambridge International Examinations (Pandaigdigang Pagtatasa ng Cambridge) (CIE). Ang paaralan ay nagtatala ng humigit-kumulang 70 na banyagang estudyante. Kasama sa mga tanyag na nagtapos dito ay sina Sir Michael Fay (negosyante at magya-yate) at si Sam Hunt (Makata). Ang punong-guro ng dalubhasaan ay si K. F. Fouhy. "Magmahal at Magsilbi" (To Love and To Serve o Amare et Servire) ang sawikain nito at may kaurian bilang pinagsamang sekundaryo para sa mga Katolikong batang lalaki na may edad na 7 hanggang 13.

St. Peter’s College (Kolehiyo ni San Pedro), Auckland

Opisyal na website

baguhin

www.st-peters.school.nz

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Bagong Selanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.   Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.