California

(Idinirekta mula sa Stanislaus County, California)

Ang California /ka·li·for·nya/ ay isang estado na matatagpuan sa kanlurang pampang ng Estados Unidos. Ito ang pinakamataong estado sa Estados Unidos, at kung magiging independeng bansa, magiging pang-anim sa pinamalaking ekonomiya sa buong mundo, pagkatapos ng Pransiya na halos magkalapit lamang at nilagpasan ang lahat ng mga pinagsamang bansa. Marahil ang pinaka-ibang estado sa bansa sa pisikal at demograpikal na anyo, "Ang Ginintuang Estado" o The Golden State ang kanyang opisyal na palayaw. Kadalasang inaakalang pantukoy sa Gold Rush (Dagsa ng Ginto) ng California noong 1849 ngunit sa katotohanan tumutukoy ito sa mga natural na damo na nagiging ginto ang kulay tuwing panahon ng tag-araw. CA ang opisyal na daglat pangkoreo ng California, at sa Associated Press, Calif. naman ang daglat nito.

California

State of California
GoldenGateBridge BakerBeach MC.jpg
Watawat ng California
Watawat
Palayaw: 
The Golden State, الولاية الذهبية, Y Dalaith Aur, El Estado Dorado
Bansag: 
Eureka
Awit: I Love You, California
California in United States.svg
Mga koordinado: 37°N 120°W / 37°N 120°W / 37; -120Mga koordinado: 37°N 120°W / 37°N 120°W / 37; -120
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonEstados Unidos ng Amerika
Itinatag9 Setyembre 1850
Ipinangalan kay (sa)The Californias
KabiseraSacramento
Bahagi
Pamahalaan
 • KonsehoCalifornia State Legislature
 • Governor of CaliforniaGavin Newsom
Lawak
 • Kabuuan423,970.0 km2 (163,695.7 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2015, demographic balance)[1]
 • Kabuuan39,144,818
 • Kapal92/km2 (240/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC−08:00, Pacific Time Zone, America/Los_Angeles, UTC−07:00
Kodigo ng ISO 3166US-CA
WikaIngles
Websaythttps://www.ca.gov/

Pinagmulan ng pangalanBaguhin

Orihinal na tumutukoy ang salitang California sa buong rehiyon na bumubuo sa Tangway ng Baja California ng Mehiko, at ng mga kasalukuyang mga estado ng California, Nevada, at ng Utah, at ilang bahagi ng Arizona, Bagong Mehiko at Wyoming.

Mas kadalasang pinaniniwalaan na ang California ay hango sa isang kathang-isip na paraiso na tinitirahan ng mga Amasona na pinamumunuan ni Reyna Calafia.[2][3] Nakatala ang kuwento ni Calafia isang gawa noong 1510 na Ang mga Pagsasamantala ng Esplandian, isinulat bilang kasunod ng Amadis de Gaula ng Kastilang manunulat at abentura na si Garci Rodríguez de Montalvo.[4][5][6] Ayon kay Montalvo, isang malayong lupain ang kaharian ni Reyna Calafia, na tinitirahan ng mga gripon at ng iba pang mga kakaibang mga halimaw, at mayaman sa ginto.

Ika-5 ang salitang California sa mga lumang salitang panglugar ng mga Europeo sa Estados Unidos at dating ginagamit sa ngayong pinakatimog na dulo ng tangway ng Baja California bilang Pulo ng California ng mga Kastilang manlalayag na pinamumunuan ni Diego de Becerra at Fortún Ximénez, na dumaong doon noong 1533 sa utos ni Hernán Cortés.[7]

DemograpiyaBaguhin

Mga pinakamalaking lungsodBaguhin

May 482 mga nasaping lungsod at bayan, kung saang 460 ay mga lungsod at 22 ay mga bayan. Sa ilalim ng batas ng California, ang mga katagang "city" at "town" ay malinaw na mapagpapalit; ang pangalan ng isang nasaping munisipalidad sa estado ay maaaring "City of (Pangalan)" o "Town of (Pangalan)".[8]

Naging kauna-unahang nasaping lungsod ang Sacramento noong ika-27 ng Pebrero, 1850.[9] Magkatablang mga pangalawang nasaping lungsod ang San Jose, San Diego at Benicia, bawat isa ay nakatanggap ng pagiging lungsod na katayuan noong ika-27 ng Marso, 1850.[10][11][12] Ang Jurupa Valley ay naging pinakahuling nasaping lungsod ng estado at ika-482 nasaping munisipalidad noong ika-1 ng Hulyo, 2011.[13][14]

Karamihan sa mga lungsod at bayan na ito ay nasa loob ng isa sa limang mga kalakhang pook: ang Los Angeles Metropolitan Area, ang San Francisco Bay Area, ang Riverside-San Bernardino Area, ang San Diego metropolitan area, o ang Sacramento metropolitan area.

Mga SanggunianBaguhin

  1. https://www.census.gov/programs-surveys/popest.html; Population Estimates Program.
  2. Putnam, Ruth (1917). "Appendix A: Etymology of the Word "California": Surmises and Usage". Sa Herbert Ingram Priestley (pat.). California: the name. Berkeley: University of California. pa. 356–361.
  3. Vogeley, Nancy (20 Abril 2001). "How Chivalry Formed the Myth of California". Modern Language Quarterly. University of Washington. 62 (2): 165–188. doi:10.1215/00267929-62-2-165.
  4. Gudde, Erwin G. and William Bright. 2004. California Place Names: The Origin and Etymology of Current Geographical Names. p.59–60
  5. Lavender, David (1987). California: Land of New Beginnings. University of Nebraska Press. pa. 27. ISBN 0-8032-7924-8. OCLC 15315566.
  6. "Online Etymology Dictionary". Etymonline.com. 24 Hunyo 1957. Kinuha noong 2 Hulyo 2010.
  7. Stewart, George (1945). Names on the Land: A Historical Account of Place-Naming in the United States. New York: Random House. pa. 11–17.
  8. "CA Codes (gov:34500-34504)". California State Senate. Tinago mula orihinal hanggang Agosto 27, 2009. Kinuha noong Enero 29, 2010. {{cite web}}: Binalewala ang unknown parameter |deadurl= (mungkahi |url-status=) (help)
  9. "Instant City: Sacramento". California State Library. Tinago mula orihinal hanggang 28 Enero 2010. Kinuha noong 29 Enero 2010. {{cite web}}: Binalewala ang unknown parameter |deadurl= (mungkahi |url-status=) (help)
  10. "San Jose at a Glance". City of San Jose. Tinago mula orihinal hanggang 2010-04-23. Kinuha noong 29 Enero 2010.
  11. "A History of San Diego Government". City of San Diego. Tinago mula orihinal hanggang 28 Mayo 2010. Kinuha noong 29 Enero 2010. {{cite web}}: Binalewala ang unknown parameter |deadurl= (mungkahi |url-status=) (help)
  12. "California State Parks: 1846 to 1854". California State Parks. 23 Mayo 2007. Kinuha noong January 29, 2010.
  13. "Jurupa Valley Becomes California's 482nd City". League of California Cities. 11 Marso 2011. Tinago mula orihinal hanggang 6 Mayo 2012. Kinuha noong 21 Agosto 2011.
  14. Stokley, Sandra (14 Hunyo 2011). "JURUPA VALLEY: Rushing to meet a July 1 incorporation". The Press-Enterprise. Kinuha noong 21 Agosto 2011.[patay na link]
  15. "Annual Estimates of the Resident Population for Incorporated Places: April 1, 2010 to July 1, 2015". US Census. 7 Mayo 2016. Tinago mula orihinal hanggang 14 Hulyo 2016. Kinuha noong 7 Enero 2017. {{cite web}}: Binalewala ang unknown parameter |dead-url= (mungkahi |url-status=) (help)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.