Estatwa ng Kalayaan

(Idinirekta mula sa Statue of Liberty)

Ang Kalayaang Nagbibigay ng Liwanag sa Mundo (Ingles: Liberty Enlightening the World, Pranses: La liberté éclairant le monde), na mas kilala sa pangkaraniwang katawagang Istatwa ng Kalayaan (Ingles: Statue of Liberty, Pranses: Statue de la Liberté), ay isang malaking istatwa na iniregalo ng Pransiya sa Estados Unidos noong 1886. Nakatayo ito sa Liberty Island - o Pulo ng Kalayaan - (isang bahagi ng New York subalit pisikal na nasa gawing New Jersey ng Daungan ng New York). Nagsisilbi ito bilang pambati sa lahat ng mga panauhin, mga imigrante, at mga nagbabalik-bayang mga Amerikano. Itinalaga ang istatwang ito na nababalutan ng tansong patina noong 28 Oktubre 1886 upang alalahanin ang sentenyal ng Estados Unidos at bilang pagpapakita ng pagkakaibigan ng Pransiya sa Amerika. Nililok ni Frédéric Auguste Bartholdi ang istatwa at nakatanggap ng patente mula sa Estados Unidos na nagamit sa pagipon ng mga laang salapi para sa pagpapagawa sa pamamagitan ng pagbibili ng mga maliliit na istatwang kahawig. Si Alexandre Gustave Eiffel (ang dumisenyo ng Toreng Eiffel) ang nagsilbing inhinyero para sa panloob na kayarian ng istatwa. Samantalang si Eugène Viollet-le-Duc naman ang nagkaroon ng tungkulin sa pagpili ng tansong gagamitin para sa paggawa ng istatwa, siya rin ang may katungkulan sa paggamit ng pamamaraang repoussé sa pagawaing ito.

Pambansang Bantayog ng Istatwa ng Kalayaan
Istatwa ng Kalayaan
LocationLiberty Island, New York,[1] Estados Unidos
Nearest cityJersey City, New Jersey
Area12 acres (49,000 m²)
EstablishedItinalaga ang istatwa noong 28 Oktubre 1886; Inilunsad bilang Pambansang Bantayog noong 15 Oktubre 1924
Visitors4,235,595 (kabilang ang Ellis Island NM) (in 2005)
Governing bodyPalingkuran ng Pambansang Liwasan
Istatwa ng Kalayaan
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO
PamantayanPangkalinangan: i, vi
Sanggunian307
Inscription1984 (ika-8 sesyon)

Sanggunian

baguhin
  1. "Frequently Asked Questions". National Park Service. Nakuha noong 2007-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.