Ang Steps ay isang Britanikong grupong sayaw-pop na nagwagi ng Gantimpalang BRIT at binubuo ng mga kasaping sina Claire Richards, Faye Tozer, Lisa Scott-Lee, Ian "H" Watkins, at Lee Latchford-Evans. Nabuo ang Steps noong Mayo 1997 at nakapaglabas ng apat na studio albums, tatlong compilation album, at labimpitong isahang awit (singles) hanggang sa kasalukuyan. Sa buong panahon ng kanilang karera, may malakas na impluwensiya ang kanilang tunog na sayaw-pop, house music, electropop at bubblegum dance ng dekada 90, kahalintulad ng maraming mga mang-aawit na kasabayan nila. Ibinatay ang kanilang pangalan sa isang simpleng pang-akit na gimik: na bawat bidyo-awit nila ay may katumbas na sayaw, at ang mga hakbang (steps) sa sayaw ay kalakip ng kanilang mga isahang awit.

Steps
Ang Steps habang nagtatanghal sa Manchester Apollo para sa kanilang Christmas with Steps Tour noong Disyembre 2012
Ang Steps habang nagtatanghal sa Manchester Apollo para sa kanilang Christmas with Steps Tour noong Disyembre 2012
Kabatiran
PinagmulanLondres, Inglatera, Nagkakaisang Kaharian
GenrePop, dance-pop, Europop
Taong aktibo1997–2001, 2011–kasalukuyan
(nakapahinga)
LabelJive, Sony, Steps, Warner Music
MiyembroClaire Richards
Faye Tozer
Lisa Scott-Lee
Ian "H" Watkins
Lee Latchford-Evans
Websitehttp://www.stepsofficial.co.uk/

Sa loob ng limang taóng sila'y magkakasama, naabot na ng Steps ang serye ng mga nagtataláng mga isahang awit sa pagitan ng 1997 at 2001, kasama ang dalawang numero uno nilang mga isahang awit sa UK (ang isa ay double A-side), dalawang numero unong mga album sa UK, 14 na magkakasunod na isahang awit na nasa nangungunang lima sa UK, at maraming mga patok na awitin sa kalakhang Europa. Nakapagbenta ang grupo ng mahigit 20 milyong rekord sa buong mundo bukod pa sa pagkakaroon nila ng nominasyon sa Gantimpalang BRIT (BRIT Awards) para sa Pinakamahusay na Bagong Saltá (Best Newcomer) habang sinusuportahan si Britney Spears sa paglalakbay nito sa kaparehong taon. Nang lumisan sina Richards at Watkins, nabuwag ang grupo noong 26 Disyembre 2001. Nakaabot ang kanilang pinakahuling isahang awit sa ikalimang puwesto sa mga Talaan sa UK habang ang kanilang panghuling album ng mga pinakamahuhusay na mga patok, ang Gold (2001), ang nagbigay sa banda ng kanilang ikalawang numero unong album sa UK.

Muling nabuo ang Steps noong Mayo 2011 para sa isang apat-na-bahaging seryeng dokumentaryo sa Sky Living na channel na pinamagatang Steps: Reunion. Nagsimulang iere ang serye noong 28 Setyembre, kasunod ng anunsiyo ng isang ikalawang album ng mga Pinakamahuhusay na mga Patok (Greatest Hits), ang The Ultimate Collection, na inilabas noong 10 Oktubre 2011. Pumasok ang album sa mga talaan sa unang puwesto, na nagbigay sa grupo ng kanilang ikatlong numero unong album sa UK. Ang Serye 2 ng Steps: Reunion ay pinamagatang "Steps: On the Road Again" na iniere sa Sky Living noong Abril 2012; sinundan ng serye ang banda sa kanilang pagtulak sa napakyaw (sold-out) na 22 paglalakbay sa UK. Noong 24 Setyembre 2012, kinumpirma ng grupo na maglalabas sila ng ikaapat nilang studio album, ang Light Up The World noong 12 Nobyembre 2012, kasabay ang anim na petsa nilang paglalakbay sa Pasko, na nagsimula noong 30 Nobyembre at nagtapos noong 5 Disyembre.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. P, B (10 Ago 2012). "Steps head into recording studio". Ultimate Steps. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 10 Ago 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)