Estoisismo
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2024)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: Kailangan ayusin ang balarila at pakakasulat. Kailangan din itama ang tamang tawag sa paksang ito at gawing "estoisismo". |
Ang Stoisismo sa modernong kahulugan ay ang hindi pag-inda sa ligaya at dusa o sakit. Sa ganitong kalagayan, may katapangan o kahandaan ang pag-iisip upang magtiis ng hirap at pasakit.[1] Ito ay isang paaralan ng Helenistikong pilosopiyang itinatag sa Atenas ng pilosopong si Zeno ng Citio noong kaagahan ng ikatlong daang taon BCE. Tumutuon ito sa masiglang ugnayan sa pagitan ng kosmikong determinismo at kalayaang pampilosopiya ng tao, at maging sa paniniwalang mas mainam ang magpanatili ng prohairesis o kagustuhan (determinasyon) na nakaayon sa kalikasan. Tinatawag na mga Stoiko ang mga sumusunod sa pagtuturo ni Seno ng Sitium.[2] Ayon sa turo ni Seno ng Sitium, matatagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng kawalan ng kasarapan at hapdi.[2]
Ang Stoisismo ay isang pilosopiya ng pansarling etikang birtud ng Eudaimonia na may kaalaman sa sistema nito ng lohika at mga pananaw sa natural na mundo. Isinasaad nito na ang pagsasanay ng birtud ay parehong kinakailangan at sumasapat sa pagkakamit na eudaimonia na pagyabong sa pamamagitan ng pamumuhay ng buhay na etikal. Tinutukoy ng mga Stoiko ang daan sa eudaimonia sa isang buhay ng pagsasanay ng mga kardinal na birtud at pamumuhay na naaayon sa kalikasan.
Ang Stoiko ay kilala sa pagtuturo na ang birtud ang tanging mabuti para sa mga tao at ang mga panlabas na bagay gaya ng kalusugan, kayamanan, at kaligayahan ay hindi mabuti o masama sa sarili nito (adiaphora) at sa halip ay may kahulugan na mahalaga para sa paggaawa ng birtud. Kasama ng etikang Aristoteliano, ang tradisyong Stoiko ay bumubuo sa isa sa mga pangunahing paraan ng etikang birtud. Isinasaad rin ng mga Stoiko na ang mga nakakawasak na emosyon ay nanggagaling sa mga maling paghatol at ang mga tao ay dapat maghangad ng isang kalooban (proahairesis) na naaayon sa kalikasan. Dahil dito, iniisip ng mga Stoiko na ang mahusay na indikasyon ng pilosopiya ng isang indibidwal ay hindi ang sinabi ng isang tao ngunit kung paano ito umaasal. Upang mamuhay ng mabuting pamumuhay, kailangan maunawaan ng mga Stoiko ang mga patakaran ng kaayusan sa kalikasan dahil naniniwala silang ang lahat ng bagay ay nag-uugat sa kalikasan. Maraming mga Stoiko gaya nina Seneca at Epictetus ay nagbigay diin na dahil ang birtud ay sasapat sa kaligayahan, ang isang pantas ay may emosyonal na kakayahan na madaig ang mga kamalasan sa kanilang buhay. Ang paniniwalang ito ay katulad ng pariralang kalmadong Stoiko bagaman hindi ito kinabibilangan ng tradisyonal na pananaw na ang tanging pantas ang maituturing na tunay na malaya at ang lahat ng mga korupsiyong moral ay parehong mapanganib.
Tanyag ang doktrinang stoiko sa Gresya at sa Imperyong Romano mula sa pagkakatatag nito magpahanggang atasan ni Emperador Justiniano I na magsara ang lahat ng mga paaaralan ng pilosopiya noong 529 AD. Para kay Justiniano I, labag sa kanyang pananampalatayang Kristiyano ang katangiang pagano ng mga nasabing paaaralan.[3]
Mga paniniwala
baguhinAng Stoisimo ay nagbibigay ng nagkakaisang salaysay ng mundo na nilikha mula sa huwarang lohika, pisikang monistiko at naturalistang etika. Sa mga ito, binibigyang diin nito ang etika bilang pangunahing pinagtutuunan ng kaalamang pantao bagaya mga teoriyang lohikal ay may mas malaking interes sa mga kalaunang pilosopo nito. Itinuturo ng Stoisismo na ang pagpapaunlad ng pagpipigil sa sarili at katapangan sa mga pagdurusa at kahirapan bilang paraan ng pagwawagi sa mga nakawawasak na emosyon. Isinasaad rin nito na ang pagiging malinaw at walang pagkiling na pag-iisip ay pumapayag sa isang indibidwal na maunawaan ang pangkalahatang katwiran (logos). Ang pangunahing aspeto ng Stoisismo ay kinabibilangan ng pagpapabuti sa kagalingang etikal at moral ng isang indibidwal. Ang prinsipyong ito ay lumalapat rin sa mga sakop ng mga relasyong interpersonal na maging malaya sa galit, inggit at pagseselos at tanggapin na kahit ang mga alipin ay katulad ng ibang mga tao dahil ang lahat ng mga tao ay parehong mga produkto ng kalikasan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Stoicism - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 American Bible Society (2009). "Stoics, Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 135. - ↑ Agathias. Histories, 2.31.