Stop motion

diskarteng animasyon
(Idinirekta mula sa Stop-motion)

Ang stop motion (kilala din sa tawag na stop frame) ay isang kapamaraang animasyon na pisikal na tinatanggal ang isang bagay na parang gumagalaw ito sa kanyang sarili.

Isang modelong luwad ng manok, nakadisenyo upang gamitin sa tigil kibo na animasyon

Kasaysayan

baguhin

Ang stop motion ay mayroong mahabang kasaysayan sa pelikula. Ito ay kadalasang ginagamit upang magpakita ng mga bagay na tila napapakilos sa pamamagitan ng salamangka. Ang unang pagkakataon ng stop motion na kapamaraanan ng animasyon ay maaring ibigay kredito kay Albert E. Smit at J. Stuart Blackton para sa The Humpty Dumpty Circus (1898) ng Vitagraph, kung saan ang isang laruang sirko ng mga akrobato at hayop ay nabigyang buhay. Noong 1902, ang pelikulang Fun in a Bakery Shop ay gumamit ng stop trick na kapamaraanan sa lightning sculpting. Ang Pranses na si Georges Melies, na bihasa sa pelikulang may trick, ay minsang gumamit ng stop motion na animasyon upang lumikha ng gumagalaw na tarhetang pamagat sa isa sa kanyang maiksing pelikula, at ilan sa kanyang mga espesyal na epekto ay nakabatay sa stop motion na potograpiya. Noong 1907, ang The Haunted Hotel ay isang pelikula stop motion ni J.Stuart Blackton, at isang matunog na tagumpay nang ito ay ipinalabas. Si Segundo de Chomon (1871-1929), na mula sa Espanya, ay nagpalabas ng El Hotel Electrico ng taong yaon, at gumamit ng magkahalintulad na kapamaraanan sa pelikula ni Blackton. Noong 1908, ang A Sculptor's Welsh Rarebit Nightmare' ay ipinalabas, gayon din ang The Sculptor's Nightmare, isang pelikula ni Billy Blitzer. Si Romeon Bossetti, isang Italyanong taga-buhay, ay pinahanga ang mga tagapanuod sa kanyang kahanga hangang kahusayan sa animasyon ng bagay na ang The Automatic Moving Company 1912. Ang dakilang taga Europa na tagapanguna ng stop motion na animasyon na si Wladyslaw Starecwicz (1892-1965) ang nagpabuhay ng The Beautiful Lukanida (1910), The Battle of the Stag Beetles (1910), The Ant and the Grasshopper (1911).

Isa sa pinakamaagang animasyon ng malagkit na lupa ay ang Modelling Extraordinary, na siyang umakit sa mga tagapanuod noong 1912. Noong Disyembre 1916 ay natunghayan sa pinilakang tabing ang una sa 54 na kabanata ni Willie Hopkins na Miracles in Mud. Noong Disyembre 1916 din ay nagsimulang mag eksperimento sa stop motion animasyon ng malagkit na lupa ang unang babaeng tagabuhay na si Helena Smith Dayton. Ipinalabas niya ang kanyang unang pelikula noong 1917, na isang adaptasyon ng Romeo and Juliet ni William Shakespeare.

Sa pagpihit ng siglo, may isa pang kilalang tagabuhay na kilala bilang Willis O' Brien (kilala din ng iba bilang O'bie). Ang kanyang trabaho sa The Lost World (1925) ay kilalang mabuti, ngunit sya ay pinaka hinangaan para sa kanyang trabaho sa King Kong (1933), isang milyahe sa kanyang mga pelikula na ginawang posible sa pamamagitan ng stop motion na animasyon.