Pagpaplano

(Idinirekta mula sa Strategy)

Ang pagpaplano ay isang bagay na ginagawa o sinusunod bago gawin ang isang proyekto upang ito ay maging maayos at organisado. Isa itong proseso ng pag-iisip hinggil sa mga aktibidad na nangangailangan na matamo ang ninanais na layunin. Nakabatay ang pagpaplano sa pag-iintindi sa hinaharap, ang pundamental na kapasidad para sa paglalakabay sa oras ng kaisipan. May ilang mga mananaliksik na tinutukoy ang ebolusyon ng pag-iintindi sa hinaharap - ang kakayahng mag-isip ng maaga - bilang isang panguhaning tagagalaw sa ebolusyon ng tao.[1]

Ang isang mahalagang aspeto ng pagpaplano ay ang kaugnayan nito sa pagtataya. Naglalayon ang pagtataya na hulaan kung ano ang magiging itsura ng hinaharap, habang iniisip ng pagpaplano kung ano ang maaring itsura ng hinaharap.

Ang pagpaplano ayon sa mga naitatag na prinsipyo - pinakakapansin-pansin noong maagang ika-20 dantaon[2] - ay binubuo ng isang pangunahing bahagi ng maraming trabahong propesyunal, partikular sa mga larangan ng pamamahala at negosyo. Kapag nakagawa ng plano ang mga tao, maari nilang sukatin at itasa ang pagsulong, kahusayan at pagiging epektibo. Habang nagbabago ang mga kalagayan, maaring baguhin o kaya'y iwanan ang plano.

Dahil sa popularidad ng konsepto ng pagpaplano, may ilang tagasunod ng ideya ang sinusuporta ang pagpaplano para sa mga hindi planadong mga pangyayari.[3][4]

Estratehiya

baguhin

Ang estratehiya (mula safrom Griyego στρατηγία stratēgia, "sining ng pinuno ng tropa; tanggapan ng heneral, pag-uutos, at pagkaheneral"[5]) ay pangkalahatang balak upang matamo ang isa o higit pang layuning pangmatagalang o kabuuan sa ilalim ng kondisyong ng kawalang-katiyakan.[6] Unang ginamit ang salita ng militar. Nagmula ito sa sinaunang salitang Griyego para sa pangkalahatang opisyal (pinunong panglahat) na nag-uutos at namumuno sa lahat ng sandatahang lakas ng isang estado. Ang estratehiya ay isang pangmatagalang balak sa kung ano ang dapat gawin upang makamit ang isang tiyak na layunin. Kapag ang pinag-uusapan ay ang malapit na hinaharap, madalas na ginagamit sa pakikipag-usap ang salitang taktika. Sa kasalukuyan, ang salitang "estratehiya" ay madalas nang ginagamit; ang mga tao ay maaaring tumalakay - bilang halimbawa - ng hinggil sa "estratehiya sa negosyo".

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Suddendorf T, Corballis MC (Hunyo 2007). "The evolution of foresight: What is mental time travel, and is it unique to humans?" (PDF). The Behavioral and Brain Sciences (sa wikang Ingles). 30 (3): 299–313, discussion 313–51. doi:10.1017/S0140525X07001975. PMID 17963565. We maintain that the emergence of mental time travel in evolution was a crucial step toward our current success.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Friedman, Elisha M. (6 Hulyo 2017) [1933]. Russia in Transition: A Business Man's Appraisal. RLE: Early Western Responses to Soviet Russia (sa wikang Ingles) (ika-reprint (na) edisyon). Abingdon: Taylor & Francis. p. 61. ISBN 9781351618625. Nakuha noong 27 Enero 2024. One of the cardinal doctrines of the Marxian system is the necessity for planning. [...] Lenin was the genius back of the Soviets' ideas of a planned economy.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Read, Steven R. (1990). Planning for the Unplannable: Branches, Sequels and Reserves (sa wikang Ingles). School of Advanced Military Studies, U.S. Army Command and General Staff College. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Coffey, William R. (10 Marso 2011). Industrial Emergency Planning: Planning for the Unplannable (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons, Incorporated. ISBN 9780470053669. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. στρατηγία, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, sa Perseus (sa Ingles)
  6. Wragg, David W. (1973). A Dictionary of Aviation (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) edisyon). Osprey. p. 251. ISBN 9780850451634.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)