Paringhitis na istreptokokal
Ang streptococcal pharyngitis o strep throat, literal na "lalamunang may istreptokokus", ay ang katawagan sa Ingles para sa paringhitis na istreptokokal. Isa itong karamdaman na sanhi ng bakteryang tinatawag na "group A streptococcus" o istreptokokus na nasa pangkat A.[1] Ang namamagang lalamunang may istreptokokus o namamagang lalamunan dahil sa istreptokokus ay nakakaapekto sa lalamunan at sa mga tonsil. Ang mga tonsil ay dalawang glandulang nasa lalamunan na nasa may likuran ng bibig. Ang lalamunang may istreptokokus ay nakakaapekto rin sa gulung-gulungan o "kahon" ng tinig ("kaha" ng boses, tinatawag ding babagtingan). Ang mga karaniwang sintomas ay lagnat, pananakit ng lalamunan (na tinatawag ring pamamaga ng lalamunan), at namamagang mga glandula (na tinatawag na mga kulani) sa may leeg. Ang lalamunang may istreptokokus ay 37% nagdurulot ng mahapding lalamunan (masakit na lagukan, kilala sa Ingles bilang sore throat) sa mga bata.[2]
Paringhitis na istreptokokal | |
---|---|
Isang kulturang positibo sa paringhitis na istreptokokal na may katangiang pagnanana ng mga tonsil sa isang tao na 16 na taon ang gulang. | |
Espesyalidad | Otolaryngology, infectious diseases |
Ang strep throat ay naipapasa sa pamamagitan ng malapit na pagkakadikit sa taong may sakit na ito. Upang matiyak na ang isang tao ay mayroong istreptokokus sa lalamunan, kailangan ang isang pagsusuri na tinatawag na kultura o paglinang ng lalamunan. Kahit na wala ang pagsusuring ito, ang malamang na kaso ng lalamunang may istreptokokus ay matutukoy dahil sa mga sintomas. Ang mga antibyotiko ay makakatulong sa taong may istreptokokus na lalamunan. Ang mga antibiyotiko ay mga gamot na nakakapatay ng bakterya. Karaniwang ginagamit ang mga ito upang maiwasan ang mga kumplikasyong katulad ng rayumatikong lagnat sa halip na paikliin ang tagal ng pagkakasakit.[3]
Mga palatandaan at sintomas
baguhinAng karaniwang mga sintomas ng lalamunang may istreptokokus ay ang pamamaga ng lalamunan, lagnat na mahigit sa 38°C (100.4°F), nana (isang dilaw o berdeng likido na binubuo ng patay na bakterya, at puting mga selula ng dugo) sa mga tonsil, at namamagang mga kulani.[3]
Mayroong ibang mga sintomas na katulad ng:
- Pananakit ng ulo (masakit ang ulo)[4]
- Pagsusuka o gustong sumuka (nasusuka)[4]
- Pananakit ng tiyan[4]
- Pananakit ng kalamnan[5]
- Pantal (maliliit na mapupulang mga pamamaga) sa katawan o bibig o lalamunan. Ito ay isang hindi pangkaraniwang sintomas ngunit isang tiyak na palatandaan ng sakit.[3]
Ang taong nagkaroon ng istreptokokus sa lalamunan ay magpapakita ng mga sintomas sa loob ng isa hanggang tatlong araw pagkatapos madikit sa isang taong may ganitong karamdaman.[3]
-
Isang kaso ng strep throat. Pansinin ang malalaking tonsil na may puting nana.
-
Isang kaso ng lalamunang may istreptokokus. Pansinin ang mga maliliit na mapupulang pantal. Ang pantal na ito ay isang hindi pangkaraniwang sintomas ngunit isang tiyak na palatandaan ng sakit.[3]
-
Isang kaso ng lalamunang may istreptokokus sa isang batang mayroong 8 taong gulang. Pansinin ang malalaking tonsil sa may likuran ng lalamunan na natakpan ng puting nana.
Sanhi
baguhinAng lalamunang mayroong istreptokokus ay sanhi ng isang uri ng bakterya, ang tinatawag na group A beta-hemolytic streptococcus (GAS) sa Ingles o istreptokokus na betahemolitiko na nasa pangkat ng titik A.[6] Ang ibang mga bakterya o birus ay maaari ring magdulot ng nakikilala sa Ingles bilang sore throat o makirot na lalamunan.[3][5] Ang mga tao ay nakakakuha ng lalamunang mayroong istreptokokus sa pamamagitan ng direkta at malapitang pagkakadikit sa taong may ganitong karamdaman. Ang karamdamang ito ay mas madaling kumakalat kapag ang mga tao ay nagsisiksikan.[5][7] Ang mga halimbawa ng pagsisiksikan ay kinabibilangan ng mga taong nasa militar o iyong nasa mga paaralan. Ang bakteryang GAS ay maaaring matuyo at mapasama sa alikabok, ngunit hindi ito magdurulot ng sakit sa mga tao. Kung ang bakterya sa kapaligiran ay mananatiling mamasa-masa makakapagdulot ang mga ito ng sakit sa mga tao ng hanggang 15 araw.[5] Ang mamasa-masang bakterya ay matatagpuan sa mga bagay na tulad ng mga sipilyo. Ang mga bakteryang ito ay nabubuhay sa pagkain, ngunit ito ay hindi masyadong pangkaraniwan. Ang mga taong makakakain ng ganitong pagkain ay maaaring magkasakit.[5] Ang labindalawang bahagdan ng mga bata na walang sintomas ng istreptokokus sa lalamunan ay karaniwang mayroong GAS sa kanilang lalamunan.[2]
Diyagnosis
baguhinPoints | Probabilidad ng Strep | Paggamot |
---|---|---|
1 o mas mababa | <10% | Walang antibiyotiko o culture na kailangan |
2 | 11–17% | Ang antibiyotiko batay sa culture o RADT |
3 | 28–35% | |
4 or 5 | 52% | Ang antibiytiko nang hindi nagsasagawa ng culture |
Ang isang listahan ng mga gawain o checklist na tinatawag na Modified Centor Score (Puntos ng Binagong Centor) ang tumutulong sa mga manggagamot na makapagpasya kung paano pangangalagaan ang mga taong mayroong mahapding lalamunan. Ang Modified Centor Score ay mayroong limang klinikal na sukat o obserbasyon. Ipinapakita nito ang posibilidad na may strep throat ang isang tao.[3]
Isang puntos ang ibinibigay sa bawat isa mula sa mga batayang ito:[3]
- Walang ubo
- Mga namamaga o masakit na kulani kapag nahahawakan
- Temperaturang mas mataas kaysa sa 38°C (100.4°F)
- Nana o pamamaga ng mga tonsil
- Nasa mga mas bata kaysa sa 15 taong gulang (ang isang puntos ay ibinabawas kapag ang tao ay mas matanda sa 44 na taong gulang)
Pagsusuri sa laboratoryo
baguhinAng pagsusuring tinatawag na paglinang ng lalamunan o throat culture ay ang pangunahing paraan[8] upang malaman kung ang isang tao ay mayroong strep throat. Ang pagsusuring ito ay karaniwang may katumpakan na 90 hanggang 95 bahagdan.[3] Mayroong ibang pagsusuri na tinatawag na rapid strep test o RADT. Ang rapid step test o mabilisang pagsusuri ng istreptokokus ay mas mabilis kaysa sa pagkukultura ng lalamunan o throat culture ngunit 70 porsiyento lamang nitong natutukoy ang karamdaman. Maaaring ipakita ng parehong pagsusuri kung ang isang tao ay walang istreptokokus sa lalamunan. Karaniwan nilang maipapakita ito na 98 porsiyento ang katumpakan.[3]
Kapag ang isang tao ay may sakit, matutukoy ng paglinang sa lalamunan o ng mabilisang pagsusuri ng istreptokokus kung ang tao ay may karamdamang paringhitis na istreptokokal.[9] Ang mga taong walang sintomas ay hindi na kailangang suriin na ginagamit ang throat culture o rapid strep test dahil ang ilang mga taong may bakteryang istreptokokal sa kanilang mga lalamunan ay kadalasang walang mga negatibong resulta. At ang mga taong ito ay hindi nangangailangan ng panggagamot.[9]
Mga sanhi ng magkaparehong sintomas
baguhinAng lalamunang may istreptokokus ay mayroong ilang mga sintomas na kapareho ng ibang mga karamdaman. Dahil dito, mahirap tukuyin kung ang isang tao ay mayroon lalamunang may istreptokokus na hindi isinasagawa ang paglinang ng lalamunan o mabilisang pagsusuri ng istreptokokus.[3] Kapag ang isang tao ay may lagnat at namamagang lalamunan na may kasamang pag-ubo, tumutulong sipon, pagtatae, at mapupula na nangangating mga mata, malamang na ito ay pamamaga ng lalamunan na sanhi ng birus.[3] Ang impeksiyon ng nakakahawang mononukleyosis ay maaaring magdulot ng namamagang kulani sa leeg at namamagang lalamunan, lagnat, at maaaring lumaki ang mga tonsil.[10] Ang diyagnosis na ito ay maaaring matukoy ng isang pagsusuri sa dugo. Gayunman, walang partikular na paggamot para sa nakakahawang mononukleyosis.
Pag-iwas
baguhinAng ilang tao ay mas madalas na nakakakuha ng lalamunang may istreptokokus kaysa sa iba. Ang pagpapatanggal ng mga tonsil ay isang pamamaraan para mapigilan ang pagkakaroon ng istreptokokus sa lalamunan para sa mga taong ito.[11][12] Ang tatlo o mahigit pang beses na pagkakaroon ng istreptokokus sa lalamunan sa loob ng isang taon ay maaaring maging mabuting dahilan para ipatanggal na ang mga tonsil.[13] Ang paghihintay ay mas nakakabuti rin.[11]
Paggamot
baguhinAng lalamunang mayroong istreptokokus ay kadalasang tumatagal ng ilang mga araw na hindi ginagamot.[3] Ang mga paggamot na ginagamitan ng antibiyotiko ay kadalasang nagpapagaling sa mga sintomas nang mas mabilis kaysa sa 16 na mga oras.[3] Ang pangunahing dahilan ng paggamot na ginagamitan ng mga antibiyotiko ay upang bawasan ang pagkakaroon pa ng mas malubhang karamdaman. Halimbawa, ang karamdamang tinatawag na rayumatikong lagnat o ang pagkakaipon ng nana sa lalamunan ng tinatawag na absesong retroparinghiyal (pagnanaknak sa likuran ng lalamunan).[3] Ang mga antibiyotiko ay mabisa kapag ibinibigay sa loob ng 9 na mga araw sa simula ng mga sintomas.[6]
Gamot para sa pananakit
baguhinAng gamot para mabawasan ang pananakit ay makakatulong para sa kahapdian na dulot ng istreptokokus sa lalamunan.[14] Kadalasang kinabibilangan ito ng NSAID o parasetamol (paracetamol) na kilala rin bilang asetaminopen (acetaminophen). Ang mga isteroyd ay mabisa rin[6][15], na tulad ng malapot na lidokina (lidocaine).[16] Ang aspirina (aspirin) ay maaaring ibigay sa mga nasa tamang gulang na. Hindi nakakabuti ang pagbigay ng aspirina sa mga bata dahil sa mas malamang na magkakaroon sila ng sindroma ni Reye.[6]
Antibiyotikong gamot
baguhinAng Penicillin V ang pinaka karaniwang antibiyotiko na ginagamit sa Estados Unidos para sa lalamunang mayroong istreptokokus. Popular ito dahil sa ito ay ligtas, mabisa at hindi magastos.[3] Ang Amoxicillin ay kadalasang ginagamit sa Europa.[17] Sa India, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng rayumatikong lagnat ang mga tao. Dahil dito, ang iniiniksiyong gamot na tinatawag na benzathine penicillin G ang karaniwang ipinanggagamot.[6] Ang mga antibiyotiko ang nagpapaikli ng itinatagal ng mga sintomas. Ang karaniwang itinatagal nito ay tatlo hanggang limang araw. Pinapaikli ito ng mga antibiyotiko ng humigit-kumulang sa isang araw. Binabawasan din ng mga gamot na ito ang pagkalat ng karamadaman.[9] Ang mga gamot ay kadalasang ginagamit upang mabawasan ang mga bihirang kumplikasyon. Kabilang sa mga ito ang rayumatikong lagnat, mga pantal, o mga impeksiyon.[18] Ang mga mabubuting epekto ng mga antibiyotiko ay kailangang balansehin ng mga posibleng mga epekto ng gamot.[5] Ang paggamot na ginagamitan ng antibiyotiko ay hindi kailangang ibigay sa mga malulusog ng mga nasa tamang gulang na tao na mayroong masasamang mga reaksiyon sa gamot.[18] Ang mga antibiyotiko ay mas madalas na ginagamit sa lalamunang mayroong istreptokokus kaysa sa inaasahan batay sa kung gaano kalubha ito at ang bilis nitong kumalat.[19] Ang gamot na erythromycin (at ang ibang mga gamot na tinatawag na mga macrolide) ang dapat na gamitin para sa mga taong may masamang mga alerhiya sa penisilina (penicillin).[3] Ang Cephalosporin ay maaaring gamitin sa mga taong may mas kaunting mga alerhiya.[3] Ang mga impeksiyong sanhi ng istreptokokus ay maaari ring humantong sa pamamaga ng mga bato (nakikilala sa Ingles bilang acute glomerulonephritis o talamak na glomerulonepritis). Hindi binabawasan ng mga antibiyotiko ang posibilidad ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon.[6]
Palagay
baguhinAng mga sintomas ng lalamunang may istreptokokus ay kadalasang bumubuti nang mayroon gamot o nang walang paggamot, sa loob ng humigit-kumulang na limang mga araw.[9] Ang paggamot na ginagamitan ng mga antibiyotiko ang nagpapababa ng panganib sa pagkakaroon ng malubhang karamdaman. Mas pinapahirap din nito ang pagkalat ng karamdaman. Maaaring bumalik ang mga bata sa paaralan 24 oras pagkatapos ng unang pag-inom ng antibiyotiko.[3]
Ang malulubhang masasamang mga problemang ito ay maaaring sanhi ng istreptokokus sa lalamunan:
- Kasama sa mga ito ang rayumatikong lagnat[4] o iskarlatang lagnat (scarlet fever)[20]
- Ang nakamamatay na karamdaman na tinatawag na sindroma ng nakakalasong pagkabigla o toxic shock syndrome[20][21]
- Glomerulonepritis[22]
- Isang karamdaman na tinatawag na sindromang PANDAS.[22] Ito ay isang suliranin sa resistensiya na nagdudulot ng biglaan, na kung minsan ay malulubhang mga problema na nauukol sa pagkilos.
Probabilidad
baguhinMay kaugnayan sa diwa kalamangan o probabilidad, ang strep throat ay kabilang sa mas malawak na kategorya ng pamamaga ng lalamunan o paringhitis. Humigit-kumulang sa 11 milyong mga tao ang nagkakaroon ng pamamaga ng lalamunan sa Estados Unidos sa bawat taon.[3] Ang karamihan sa mga kaso ng pamamaga ng lalamunan ay sanhi ng mga birus. Ang bakteryang istreptokokus na betahemolitiko na nasa pangkat ng titik na A ay nagdudulot ng 15 hanggang 30 porsiyento ng mga pamamaga ng lalamunan sa mga bata. Nagdudulot ito ng 5 hanggang 20 porsiyento ng mga pamamaga ng lalamunan sa mga nasa tamang gulang na.[3] Ang mga kaso ay kadalasang nagaganap sa huling bahagi ng taglamig at mga unang bahagi ng tagsibol.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ streptococcal pharyngitis sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)
- ↑ 2.0 2.1 Shaikh N, Leonard E, Martin JM (2010). "Prevalence of streptococcal pharyngitis and streptococcal carriage in children: a meta-analysis". Pediatrics. 126 (3): e557–64. doi:10.1542/peds.2009-2648. PMID 20696723.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 3.11 3.12 3.13 3.14 3.15 3.16 3.17 3.18 3.19 3.20 3.21 Choby BA (2009). "Diagnosis and treatment of streptococcal pharyngitis". Am Fam Physician. 79 (5): 383–90. PMID 19275067.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Brook I, Dohar JE (2006). "Management of group A beta-hemolytic streptococcal pharyngotonsillitis in children". J Fam Pract. 55 (12): S1–11, quiz S12. PMID 17137534.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 Hayes CS, Williamson H (2001). "Management of Group A beta-hemolytic streptococcal pharyngitis". Am Fam Physician. 63 (8): 1557–64. PMID 11327431. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-16. Nakuha noong 2012-06-07.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-05-16 sa Wayback Machine. - ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 Baltimore RS (2010). "Re-evaluation of antibiotic treatment of streptococcal pharyngitis". Curr. Opin. Pediatr. 22 (1): 77–82. doi:10.1097/MOP.0b013e32833502e7. PMID 19996970.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lindbaek M, Høiby EA, Lermark G, Steinsholt IM, Hjortdahl P (2004). "Predictors for spread of clinical group A streptococcal tonsillitis within the household". Scand J Prim Health Care. 22 (4): 239–43. doi:10.1080/02813430410006729. PMID 15765640.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Smith, Ellen Reid; Kahan, Scott; Miller, Redonda G. (2008). In A Page Signs & Symptoms. In a Page Series. Hagerstown, Maryland: Lippincott Williams & Wilkins. p. 312. ISBN 0-7817-7043-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 9.2 9.3 Bisno AL, Gerber MA, Gwaltney JM, Kaplan EL, Schwartz RH; Gwaltney (2002). "Practice guidelines for the diagnosis and management of group A streptococcal pharyngitis. Infectious Diseases Society of America". Clin. Infect. Dis. 35 (2): 113–25. doi:10.1086/340949. PMID 12087516.
{{cite journal}}
: Missing|author2=
(tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Ebell MH (2004). "Epstein-Barr virus infectious mononucleosis". Am Fam Physician. 70 (7): 1279–87. PMID 15508538. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-24. Nakuha noong 2012-06-07.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-07-24 sa Wayback Machine. - ↑ 11.0 11.1 Paradise JL, Bluestone CD, Bachman RZ; atbp. (1984). "Efficacy of tonsillectomy for recurrent throat infection in severely affected children. Results of parallel randomized and nonrandomized clinical trials". N. Engl. J. Med. 310 (11): 674–83. doi:10.1056/NEJM198403153101102. PMID 6700642.
{{cite journal}}
: Explicit use of et al. in:|author=
(tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Alho OP, Koivunen P, Penna T, Teppo H, Koskela M, Luotonen J (2007). "Tonsillectomy versus watchful waiting in recurrent streptococcal pharyngitis in adults: randomised controlled trial". BMJ. 334 (7600): 939. doi:10.1136/bmj.39140.632604.55. PMC 1865439. PMID 17347187.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Johnson BC, Alvi A (2003). "Cost-effective workup for tonsillitis. Testing, treatment, and potential complications". Postgrad Med. 113 (3): 115–8, 121. PMID 12647478.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thomas M, Del Mar C, Glasziou P (2000). "How effective are treatments other than antibiotics for acute sore throat?". Br J Gen Pract. 50 (459): 817–20. PMC 1313826. PMID 11127175.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "Effectiveness of Corticosteroid Treatment in Acute Pharyngitis: A Systematic Review of the Literature". Andrew Wing. 2010; Academic Emergency Medicine.[patay na link]
- ↑ "Generic Name: Lidocaine Viscous (Xylocaine Viscous) side effects, medical uses, and drug interactions". MedicineNet.com. Nakuha noong 2010-05-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bonsignori F, Chiappini E, De Martino M (2010). "The infections of the upper respiratory tract in children". Int J Immunopathol Pharmacol. 23 (1 Suppl): 16–9. PMID 20152073.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 18.0 18.1 Snow V, Mottur-Pilson C, Cooper RJ, Hoffman JR (2001). "Principles of appropriate antibiotic use for acute pharyngitis in adults" (PDF). Ann Intern Med. 134 (6): 506–8. PMID 11255529.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Linder JA, Bates DW, Lee GM, Finkelstein JA (2005). "Antibiotic treatment of children with sore throat". J Am Med Assoc. 294 (18): 2315–22. doi:10.1001/jama.294.18.2315. PMID 16278359.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 20.0 20.1 "UpToDate Inc". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-12-08 sa Wayback Machine. - ↑ Stevens DL, Tanner MH, Winship J; atbp. (1989). "Severe group A streptococcal infections associated with a toxic shock-like syndrome and scarlet fever toxin A". N. Engl. J. Med. 321 (1): 1–7. doi:10.1056/NEJM198907063210101. PMID 2659990.
{{cite journal}}
: Explicit use of et al. in:|author=
(tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 22.0 22.1 Hahn RG, Knox LM, Forman TA (2005). "Evaluation of poststreptococcal illness". Am Fam Physician. 71 (10): 1949–54. PMID 15926411.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)