Abestrus

(Idinirekta mula sa Struthionidae)

Ang ostrits, abestrus, o Struthio camelus (Ingles: ostrich)[2][3] ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ng Aprika. Ito lamang ang nabubuhay na uri ng kanyang mag-anak o pamilyang Struthionidae, at ng saring Struthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayroong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65 km/h (40 mph).

Abestrus
Lalaking abestrus
(Struthio camelus)
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Struthionidae

Vigors, 1825
Sari:
Struthio

Linnaeus, 1758
Espesye:
S. camelus
Pangalang binomial
Struthio camelus
Carolus Linnaeus, 1758
Sub-uri

Tingnan ang teksto

Ang distribusyon ng mga abestrus ngayon

Pinakamalaking nabubuhay na ibon ang mga abestrus at inaalagaan sa maraming sakahan sa buong mundo. Ang pangalang pang-agham ng abestrus ay galing sa salitang Griyego para sa "kamelyong maya" dahil sa mahabang leeg nito.[4]

Deskripsiyon

baguhin

Karaniwang umaabot sa 90 kg hanggang sa 130 kg (200 to 285 libra) ang timbang ng mga abestrus, bagaman naitalang umabot sa 155 kg (340 libra) ang timbang ng ilang mga lalaking abestrus. Halos itim ang balahibo ng mga matatandang abestrus, ngunit may kulay puti sa balahibo at buntot nito.

 
Mga batang abestrus

Abong-kape at puti ang kulay ng mga babae at mga batang lalaki. Ginagamit sa pagpapares ang maliit na balahibo ng mga lalaki. Nakapagbibigay rin sila ng lilim para sa mga sisiw. Malambot at ginagamit sa insulasyon ang mga balahibo nito, at may pagkakaiba sa matigas na balahibo ng mga lumilipad na ibon. Mayroong mga kuko sa dalawang daliri ng mga pakpak nito.

Walang mga balahibo ang malalakas na binti ng mga abestrus. Nakakatayo ito sa dalawang daliri sa paa, na kamukha ng kuko ng kabayo ang mas malaking daliri.

Sa sekswal na edad nito (dalawa hanggang apat na taong gulang), umaabot sa pagitan ng 1.8 m at 2.7 m (6 talampakan at 9 talampakan) ang tangkad ng mga lalaking abestrus, samantalang umaabot sa pagitan ng 1.7 m at 2 m (5.5 talampakan at 6.5 talampakan) ang tangkad ng mga babaeng abestrus. Sa unang taon ng buhay, umaabot sa 25 sm (10 pulgada) ang laki ng mga sisiw buwan-buwan. Sa isang taon, umaabot sa 45 kg (100 libra) ang timbang ng mga abestrus. Maaaring umabot sa 75 taon ang buhay ng isang abestrus.

Tao at abestrus

baguhin

Inihahambing sa isang abestrus ang taong nagtatago sa oras ng kagipitan, sapagkat may inaakalang gawi ang ostrits na maglubog ng ulo nito sa buhangin o lupa subalit nalitaw naman ang katawan.[5]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. BirdLife International (2004)
  2. Calderon, Sofronio G. (1915). "Ostrich". Diccionario Ingles-Español-Tagalog.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ostrich," abestrus Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  4. "Ostrich". Online Etymology Dictionary.
  5. Gaboy, Luciano L. Ostrich - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Panlabas na mga kawing

baguhin