Subteraneo ng Londres

Ang Subteraneo ng Londres (Ingles: London Ungerground) o Metro ng Londres ay isang sistemang mabilis na transito na naglilingkod sa isang napakalaking bahagi ng Kalakhang Londres at ng katabing mga lugar ng Essex, Hertfordshire, at Buckinghamshire sa Nagkakaisang Kaharian. Ang unang bahagi ay ibinukas noong 1863 at ito ang kauna-unahang sistemang pangtren sa ilalim ng lupa sa buong mundo [4] at simula noong 1890, ito rin ang kauna-unahang magpagana ng mga tren na pinapagana ng dagitab.[5] Ito ay kadalasang itinatawag bilang "ang Subteraneo" o ang "Tubo"-na humahango sa hugis ng mga deep-bore na lagusan ng sistema sa kabila ng pagkakaroon ng 55% ng hugnayang sistema ay nasa ibabaw ng lupa.

London Underground
Overview
LocaleGreater London, Chiltern, Epping Forest, Three Rivers and Watford
Transit typeRapid transit
Number of lines11
Number of stations270 served (260 owned)
Daily ridership2.95 million (approximate)[1][2]
3.4 million (weekdays) (approximate)[3]
Operation
Began operation10/1/1863
Operator(s)Transport for London
Technical
System length250 milya (400 km) (approximate)[1]
Track gauge1,435 mm (4 ft 8 12 in) (standard gauge)

Ang naunang mga linya o daanan ng pangkasalukuyang Subterraneo ng Londres ay itinayo ng mga ilang mga pribadong kompanya. Bukod sa mga pangunahing linya ng riles, ang mga ito ay naging bahagi ng isang pinagsama-samang sistema ng paglalakbay noong 1933 nang ang London Passenger Transport Board (LPTB) o London Transport ay naitatag. Ang network sa ilalim ng lupa ay naging iisang kinatawan noong 1985 nang ang Pamahalaan ng Nagkakaisang Kaharian ay tinatag ang London Ungerground Limited (LUL).[6] Simula 2003, ang LUL, sa kabuuan ay naging bahagi ng Transport for London (TfL), ang kinatawanang kompanya na may pananagutan sa karamihan ng mga pananaw at aspeto ng pamamaraan ng paglalakbay sa Kalakhang Londres na pinatatakbo ng isang kinatawan at isang komisyoner na hinirang ng Alkalde ng Kalakhang na Londres.[7]

Ang Subterraneo ay may 270 na estasyon[1] at mga 400 km (250 milya) ng daanan.[1] Dahil dito, ito ay ang pinakamahabang sistemang metro sa buong mundo sa haba ng dinaraanan.[8] Ito rin ay ang may pinakamaraming mga estasyon. Noong 2007, mahigit sa isang bilyong pantaong panlalakbay ay naitala.[3] Ito ay ang ikatlong pinaka-abalang sistemang metro sa Europa matapos ang Paris at Moscow.

Ang mapa ng tubo na may sematkong paglalayag na hindi heograpikal at colour-coded na mga linya ay isinasalang-alang bilang isang klasikong disenyo at marami ring mga mapang panlakbay ay nahikayat ng ganitong pamamaraan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Average daily ridership taken as a daily average of yearly ridership (1073 million) divided by 364 (an average year minus Christmas Day). Yearly figure according to ""Key facts". Transport for London. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-12-15. Nakuha noong 2009-02-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The London Underground
  3. 3.0 3.1 "Tube breaks record for passenger numbers". Transport for London. 2007-12-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-24. Nakuha noong 2009-02-17.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "billionpassengers" na may iba't ibang nilalaman); $2
  4. Wolmar 2004, p. 18.
  5. Wolmar 2004, p. 135.
  6. "History". Transport for London. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-16. Nakuha noong 2007-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "How do I find out about transport in London?". Greater London Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 2003-04-16. Nakuha noong 2008-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. http://mic-ro.com/metro/table.html - Metrobits.org