Sukatang boson
Sa pisika ng partikulo, ang mga pamantayang boson, sukatang boson, o panukat na boson, na kilala sa Ingles bilang gauge boson ay ang mga bosonikong partikulo na umaasal bilang tagapagdala ng mga pundamental na pwersa ng kalikasan. Sa mas ispesipikong paglalarawan, ito ay mga elementaryong partikulo na ang mga interaksiyon ay inilalarawan ng teoriya ng sukatan (gauge theory) ay naglalapat ng mga pwersa sa bawat isa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga pamantayang boson na karaniwan ay mga birtwal na partikulo.