Sunismo

(Idinirekta mula sa Sunni Muslim)

Ang mga muslim na Sunni ay ang pinakamalalking denominasyon ng Islam. Tinutukoy sila bilang Ahl ul-Sunna (Arabo: أهل السنة), ang mga tao ng tradisyon. Nagmula ang salitang Sunni mula sa salitang sunna (Arabo : سنة ) na nangangahulugang ang tradisyon ng propeta ng Islam Muhammad.

Nangangahulagang ang Sunni (Arabo: سني ) bilang tagasunod ng sunna ng propeta, kasama ang ilang detalye.

Naitatag ang salitang al-Jama'ah (Arabo : الجماعة) sa pamamagitan ng Mu'awiya upang ipagkaiba sa mga tagasunod ng Ahl-ul-Bayt at maparusahan sila. Hindi Jama'ah ang Shi'a. Nagmula ang pangalan mula sa "ang taon ng Jama'ah", "ang taon ng pagsasama" ang taon ng digmaang sibil ng Muslim na nagtapos sa isang kasunduang kapayapaan sa pagitan ng Hasan ibn Ali at Muawiya I.

Ang salita Sunni ay mula sa salitang sunnah, na nangangahulugang mga aral, mga ginawa o mga halimbawa ng propetang si Muhammad. Samakatuwid, ang salitang "Sunni" ay tumutukoy sa mga tagasunod ng sunnah ni propeta Muhammad. Ang Sunnis ay naniniwala na si Muhammad ay hindi partikular na humirang ng isang kapalit upang manguna sa ummah o komunidad ng mga Muslim bago ang kanyang kamatayan, at pagkatapos ng isang kaguluhan, isang grupo ng kanyang pinaka-kilalang Sahabah o kasama ang nagtipon at inihalal si Abu Bakr Siddique, isang pinakamalapit ng kaibigan ni Muhammad kaibigan at biyenan bilang kauna unahang kalipa ng Islam. Itinuturing ng mga Sunni Muslims ang unang apat na kalipa na sina Abu Bakr, `Umar ibn al-Khattāb, Uthman Ibn Affan at Ali ibn Abu Talib bilang "al-Khulafā'ur-Rāshidūn"(o ang karapatdapat na pinapatnubayang kalipa). Ang Sunni ay naniniwala din na ang posisyon ng kalipa ay maaaring matamo sa paarang demokratiko ngunit ito ay pagkatapos ng Rashidun na isang posisyon na namamana sa pamumunong dinastiya dahil sa ang mga dibisyon na sinimulan ng mga Shias at iba pa. Pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Ottoman noong 1923, hindi na nagkaroon pa ng kalipa na kinikilala sa buong Islam.

Islam Ang lathalaing ito na tungkol sa Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.