Surah Al-Falaq
Ang Sura al-Falaq (Arabiko: سورة الفلق, Sūratu l-Falaq, "Ang Pagbubukang-Liwayway") ang ika-113 kabanata ng Koran na may 5 ayat.
ٱلفَلَق Al-Falaq | |
---|---|
Klasipikasyon | Makkan |
Posisyon | Juzʼ 30 |
Blg. ng talata | 5 |
Blg. ng zalita | 23 |
Blg. ng titik | 71 |
Mga bersikulong Arabiko
baguhinبِسۡمِ اللّٰہِ الرَّحۡمٰنِ الرَّحِیۡمِ
قُلۡ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلۡفَلَقِ
مِن شَرِّ مَا خَلَقَ
وَمِن شَرِّ غَاسِقٍ إِذَا وَقَبَ
وَمِن شَرِّ ٱلنَّفَّـٰثَـٰتِ فِى ٱلۡعُقَدِ
وَمِن شَرِّ حَاسِدٍ إِذَا حَسَدَ
Salin
baguhinSa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sabihin mo, O Muhammad: “Nagpapakupkop ako at hinihingi ko ang kalinga ng Allâh na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng ‘Falaq,’ na ito ay pagbubukang-liwayway.
2. “Mula sa kasamaan ng lahat ng nilikha at sa mga kapinsalaan na maidudulot nito.
3. “At mula sa kasamaan ng matinding kadiliman kapag kumalat na ang gabi nito at sa anumang kasamaan at mga nakapipinsala na nangyayari rito
4. “Mula sa mga nagsasagawa ng karunungang itim na mga kababaihan na hinihipan nila ang kanilang mga ibinuhol na tali, na ito ay kanilang pinagbubuhul-buhol bilang pangkukulam.
5. “At mula sa kasamaan ng sinumang mainggitin kapag kinapopootan na niya ang mga tao dahil sa mga biyayang ipinagkaloob ng Allâh sa kanila, na kapag siya ay naiingit ay nais niyang mawala ito sa kanila.”