Suriang Karolinska
Ang Suriang Karolinska (Ingles: Karolinska Institute, KI; Suweko: Karolinska Institutet;[1] minsan ay kilala bilang ang (Royal) Caroline Institute sa Ingles[2][3] ) ay isang medikal na unibersidad para sa pananaliksik sa bayan ng Solna sa loob ng metropolis ng Stockholm saSweden. Saklaw nito ang mga disiplina tulad ng biyokemistri, henetika, farmakolohiya, patolohya, anatomiya, fisyolohiya, at mekrobiyolohiyang medikal, bukod sa iba pa. Kinikilala ito bilang pinakamahusay na unibersidad ng Sweden at isa sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong unibersidad sa medisina sa buong mundo. Ito ang may pinakamataas na ranggo sa buong Scandinavia. Ang Nobel Assembly sa Karolinska Institute ang naggagawad ng Nobel Prize in Physiology or Medicine.
- ↑ Karolinska Institutets Varumärkesplattform (Swedish) Revised Nov 2014, Page 6 https://ki.se/sites/default/files/vmplattform_nov2014_4_0_180117.pdf Naka-arkibo 2019-01-30 sa Wayback Machine.
- ↑ Nobel Foundation Directory. 2003. Stockholm : Nobel Foundation, p. 5.
- ↑ National Council of Science Museums. 2005. Nobel Prize Winners in Pictures with CD-ROM. Delhi: Foundation Books, p. v.