Sustansiyang kimikal

(Idinirekta mula sa Sustansyang kimikal)

Ang sustansiyang kemikal (Ingles: chemical substance) o sangkap pangkimika ay ang kahit anong materyal na ginagamit o makukuha sa pagawaan ng kimika:

  • Isang kompuwestong kemikal ang sustansiya na binubuo ng dalawa o higit pa na elementong kimikal na pinagsasama sa nakatakdang proporsyon.
  • Isang elementong kemikal ang isang sustansiya na di na maaaring ihati or baguhin sa iba pa na sustansiya sa pamamagitan ng ordinaryong kaparaanang kemikal. Ang pinakamaliit na ganitong elemento ay ang isang atomo, na binubuo ng mga elektron na pinapagitnaan sa paligid ng isang nukleyus ng mga proton at mga nyutron.
  • Isang molekula o molekyul ay ang pinakamaliit na partikel ng isang elemento o kompawnd na pinapanatili ang katangian ng isang elemento o kompawnd.
  • Ang isang iono ay isang atomo o pangkat ng mga atomo kasama ng isang neto ng charge ng koryente, na mayroong nawala (cation) o nakuhang (anion) isang elektron.

Kahulugan

baguhin
 
Mga kulay ng nag-iisang kemikal (pulang Nilo) sa iba't ibang pantunaw, sa ilalim na nakikitang liwang na UV, na pinapakita kung papaano pabago-bago ang interaksyon ng kimikal sa paligid ng panunaw nito.

Maaring mabigyang kahulugan ang isang sustansiyang kimikal bilang "anumang materyal na may isang tiyak na komposisyong kimikal" ayon sa isang pagpapakilalala ng aklat-aralin ng pangkalahatang kimika.[1] Sang-ayon sa kahulugan na ito, ang sustansiyang kimikal ay maaaring isang purong elementong kimikal o isang purong kompuwestong kimikal. Subalit, mayroon itong eksepsyon sa kahulugan na ito; maaring bigyan kahulugan ang purong sustansiya bilang isang anyo ng materya na mayroong parehong tiyak na komposisyon at naiibang mga katangian.[2] Binibilang din sa indeks ng sustansyang kimikal na nilalathala ng CAS ang ilang mga haluang metal na may hindi tiyak na komposisyon.[3] Isang natatanging kaso ang mga kompuwestong di-estekiyometriko (sa kimikang inorganiko) na lumalabag sa batas ng hindi nagbabagong komposisyon, at para sa kanila, mahirap minsan na tukuyin kung isa itong halo o isang kompuwesto, tulad ng kaso ng palladium hydride. Makikita din ang mas malawak na depinisyon ng mga kimikal o sustansiyang kimikal, halimbawa: "nangangahulugan ang 'sustansiyang kimikal' na kahit anong sustansiyang organiko o inorganiko ng isang partikular na identidad pang-molekula, kabilang ang – (i) anumang kombinasyon ng mga ganoong sustansiya na buo o bahagi lamang na naging resulta ng isang reaksyong kimikal o mayroon sa kalikasan".[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hill, J. W.; Petrucci, R. H.; McCreary, T. W.; Perry, S. S. General Chemistry, 4th ed., p5, Pearson Prentice Hall, Upper Saddle River, New Jersey, 2005 (sa Ingles)
  2. "Pure Substance – DiracDelta Science & Engineering Encyclopedia" (sa wikang Ingles). Diracdelta.co.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-11. Nakuha noong 2013-06-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Appendix IV: Chemical Substance Index Names Naka-arkibo 2007-12-03 sa Wayback Machine.
  4. "What is the TSCA Chemical Substance Inventory?" (sa wikang Ingles). US Environmental Protection Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-05. Nakuha noong 2009-10-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)